Ang pagbabalik ng mga plaka nina lolo’t lola

PAGBAGSAK AT PAGBANGON NG VINYL RECORDS

turntable-recordingSa pagsasaliksik taong 1988 nang pataubin ng compact disc (CD) ang popularidad ng gramophone record.

Bumaba ang kasikatan ng vinyl records sa pagitan ng 1988 at 1991 sa Canada at United States matapos ang mga major label distributors ay magbawal ng return policies na inaasa­han naman ng mga retailers para mamantine ang pagpapalit ng kanilang mga stocks sa mga hindi po­pular na title ganito rin ang naging eksena sa Uni­ted Kingdom kung saan pinalitan ng kasikatan ng mga CD ang mga plaka.

Sa Pilipinas ay kapareho rin ang naging buhay ng pamamayagpag ng plaka.

Pero pagpasok ng taong 2007 ay nagkaroon ng tinatawag na vinyl revi­val na ginagamit ng media at  tagapakinig ng musika na naglalarawan sa pagbuhay ng interes at mu­ling pagtaas ng benta ng vinyl records o gramophone records.

Sa panayam ng Abante TONITE kay Jane Paula Pardo na sales marke­ting officer ng The Greymarket Vinyl Records na matatagpuan sa Bellitudo Lifestyle Strip, 79 Katipunan Avenue White Plains, Quezon City sinabi nito na limang taon na ang kanilang tindahan na ang pangunahing produkto na ibinibenta ay mga plaka.

Simula ng buksan ang tindahan ay nagtrabaho na si Jane sa tindahan na pagmamay-ari ni Jay Amante.

Ikinuwento ni Pardo na hobby ng kanyang boss ang mangolekta ng mga plaka.

“Hobby nya po talaga sa father nya nag-o-online selling na sya sa bahay dati pa nung wala pang Greymarket for shipping ang ginagawa nya so by order. Pero dati pa raw talaga binata pa sya mahilig na syang mangolekta ng mga plaka. Late 70’s, 80’s nawala ang plaka tapos nagkaroon ng tapes at CD’s after ng 90’s bumalik ulit. So dun sya nag-online paisa-isa parang dalawa ganun tapos mga friends nya ang nag-o-order din sa kan­ya,” salaysay ni Pardo.

LUTANG AT MALUTONG

Mas maganda ayon kay Pardo ang tunog ng plaka, ana­logue talaga at bumalik sa dati. Kasi kapag CD aniya digital kaya malayo ang tunog.

turntable-recording-02“Parang mas napi-feel nila ‘yung dati nila. ‘Yung popcorn kasi (na tunog ng kalansing) ‘yun ang hinahanap nila… parang may mantika na may nagpiprito raw ‘yun ang hinahanap nila na sounds ngayon.  Kasi sa CD sobrang linis na ‘yung tunog,” sabi ni Pardo.

“Kapag nagko-compare kami ng client namin ng CD tapos compare mo sa plaka sobrang layo ng tunog. Mayroon kang ‘di maririnig sa CD na nasa plaka…‘yung mga kalansing. Lalo na kapag Jazz ‘yung mga trumpet, ‘yung mga ano… sobrang layo po.”

“Mas naa-appreciate ng mga listener ang sound tripping kapag plaka ang ginagamit sa pakikinig.‘Yung matatanda nakaka-relax daw, bumabalik sa kanila ‘yung masasaya nilang alaala, sa mga bata siguro parang nakikisakay gustong makiuso sa mga magulang nila. Sabi nga po ni boss after five years parang mas dun pa lang makikilala ulit ‘yung mga plaka.”

 OLD SCHOOL

Hindi dahil old school ang gadget o ang turntable na nagsisilbing instrumento sa pagpapatugtog hindi lang matatanda ang naeengganyo na ma­ngolekta ng mga plaka.

turntable-artist“Pati bata minsan nga po mas bata pa (teenager) nagpaplaka na rin. Yung iba yung parents nila ang bumibili para sa kanila. Naimpluwensiyahan or mayroon ‘yung mga father nila ng set-up tapos sila na ang bibili ng plaka dun sa set-up ng father nila papakinggan. ‘Yun ganun ang nangyayari.”

May mga mukhang donya na may mga alalay pa na ‘Rogelio’ kapag lumutang sa tindahan ng plaka.

Hindi lang paisa-isa kung bumili at hindi rin pambenta o pang-negosyo kundi para sa personal pleasure at pakikinig lang.

Para lang din sa mga can afford ang hobby ng pakikinig ng plaka.

“Kasi hindi sya ganun kamura, kumpara sa CD nasa P250 hanggang P500. Ito P1,000 up ang presyo,” ayon kay Pardo.

Kahit ma-traffic at nakatago pa sulok ang puwesto ng tindahan talagang sinasadyang puntahan ng mga parokyano.

“Mahirap talagang maghanap ngayon lalo na ‘yung mga OPM (Original Pilipino Music). Yun ang mga gustong nilang ikolekta pero siyempre nagkakaroon ng remastered or re-issue   so ‘yun ‘yung mga  lumalabas na brand new. The Beatles pa rin talaga ang best seller namin, Led Zeppelin,” banggit pa nito.

“May mga client na iba-iba ang gusto nila yung iba nagpa-panic buying lang kung ano ‘yung makita nila yun ang bibilhin nila kokonti lang kasi ang kopya. Tapos ‘yung iba naman kung ano lang ‘yung gusto nila ‘yun lang ang bibilhin. Iba-iba rin kasi ang reference tapos kapag ang genre na gusto nila Jazz lang sila. Hindi sila kukuha ng ibang album o ibang artist.

May mga client umano sila sa Cebu, Iloilo sa Davao at iba pang panig ng bansa kaya tuloy pa rin ang on-line selling.

May mga lumuluwas pa once a month galing sa mga probinsya para mamili ng plaka.

Mayroon ding mga parukyanong  artista, pulitiko, senador at congressman at iba pang personalidad. May mga friends ng dating Pangulo, cabinet members at pati ang anak ni Presidente Rod­rigo Duterte na si Davao City Vice Ma­yor Paolo Duterte ay nabatid na isa sa tumatangkilik ng plaka.