Ang Probinsyano balik-taping sa May 1

Posibleng magbalik na ang inyong mga paboritong teleserye tulad ng ‘Ang Probinsyano’ at iba pa sa susunod na buwan.

Ito’y matapos ianunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na papayagan nang muling mag-shooting ang mga TV at movie production sa mga area na isasailalim sa general community quarantine (GCQ).

Sa Mayo 1 magsisimula ang GCQ sa ilang lugar, ngunit hindi dito kasama ang Metro Manila, Gitnang Luzon, CALABARZON at iba pang high-risk area na tuloy ang enhanced community quarantine hanggang Mayo 15.0.

“Ang ibig sabihin, ‘yung mga telenobela, dapat i-tape sa GCQ areas. Hindi pa po puwede sa Metro Manila,” ayon kay Roque.

Gayunpaman, mananatili namang ipagbabawal ang mga concert, festival, show, maging ang mga bar sa GCQ. (RP)