
Naging isyu na umano’y pinapasama ang mga pulis sa seryeng ‘Ang Probinsyano’.
Sa Instagram ni Coco Martin ay makikita ang photo niya sa nasabing serye at mababasa ang disclaimer na “Ang mga pangalan, karakter, at mga insidente sa programang ito ay kathang-isip lamang at hindi nagpapakita ng mga totoong tao, organisasyon, lugar, o kaganapan. Anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay ay ‘di sinasadya.”
May caption din na @mr.cocomartin, “Pasensya na po!”
May mga nag-comment naman na mas maraming problema sa Pilipinas mas dapat ay unang bigyan ng pansin.
@anathalia_ch@ yassizzlepressman salamat po sa reply. Akin lamang po yong sariling komento saludo ako sa mga pulis ngayon dahil nakikita ko ang kanilang pag babago..mabuhay po kayo miss yassi salamat God bless.. 
@thatsmymichael@anathalia_ch magbasa ka nga maige! Intindihin mo muna bago ka magdadakdak jn… sana ay binasa nya muna ang disclaimer bago sya umeksena.. Simle lang ang ibig sabihin ni Ms. Yassi @yassipressman, imbes na pagtuunan nila ng pansin ang pagbatikos sa Ang Probinsyano, diba at mas marami pa silang dapat gawin kesa sumawsaw sa kasikatan ng Ang Probinsyano.. That’s All.”
@thejewelrybox18kgold, “Sa nagsasabing madami pang problema na dapat asikasuhin ang kapulisan. Ganon din ang isipin ng programang ito. Imbes na tulungan mapaganda ang imahe ng mga kapulisan dahil hinde naman talaga lahat ay masasama, sana ipakita ang dapat ipakita na hinde makakasira sa mga pulis na hinde naman tiwali pero dahil sa ganitong palabas ay nadadamay. Dati oo walang umaalma dahil ang bida ay isang huwarang pulis. Pero ngayon ang mga pulis at mismong tao ng gobyerno ay naging rebelde na kumakalaban mismo sa gobyerno. Anong nais nyo ipakita? Na maganda ang maging rebelde o NPA at lumabag sa batas? May tiwaling pulis man o wala, mas maiging itaas nyo ang dangal ng kapulisan ng iyong bansa kesa ng mga rebelde. Ang kathang isip na sinasabi nyo ay half meant, hinahango ito sa totoong buhay. Pero hinde dapat kelangan negatibo. Isipin nyo ang mga asawa at anak ng mga matitinong pulis na naapektuhan. Mga nasawi sa Marawi, SAF 44 n lumaban against sa nga rebelde at terorista. Ipakita ang mali, pero wag hayaang ito ang mangibabaw at maging buong tema ng palabas. Iniidolo ka ng kabataan, wag mong isipin nila na tama ang maging rebelde @mr.cocomartin.”
Tsuk!
Carlo dedma na nauna sa billing si Matteo
Sanib-puwersa sina Matteo Guidicelli at Carlo Aquino sa isang concert na pinamagatang “MatteoXCarlo” sa November 17 na gaganapin sa Music Museum.
Hindi issue sa kanilang billing. Dedma si Carlo kung mauna man si Matteo dahil para silang magkapatid kung magturingan.
Marami rin silang pagkakapareho. Mahilig silang magsuot ng jeans, puting t-shirts, sumakay ng motorsiklo. Pareho rin silang cool.
Nag-i-enjoy rin silang manood ng basketball, boxing at billiards.
“Carlo’s a child star and he’s born to this. He has a personality and he’s a rockstar himself. He’s good at what he does as a personality. We’re just gonna share off each other’s energies and we’ll see how it goes,” lahad ni Matteo.
“Siyempre happy gusto ko rin naman ang music pero, the usual, na kapag may bagay na ino-offer sakin eh kinakabahan ako, pero excited ako dahil gusto ko rin naman talaga ito,” sambit naman ni Carlo.
“Gusto ko lang maramdaman nila na malaking tulong ang nabibigay ng music sa buhay at malaking inspirasyon ang makukuha nila sa musika. Makikita nila na nag-e-enjoy ako na mag-perform,” dagdag ng aktor.
“We will do medleys and solo performances. Our music fusion will be very exciting for both of them because we will mix up their songs in a way that it they will make it their own and at the same time sing it solo and together,” paliwanag naman ng Hills & Dreams concert producer na si Vernice Soyangco.
Ang “MatteoXCarlo” ay sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril and musical director Marvin Querido. For tickets please call Ticketworld at 891-9999 or Grace Nerona at 09260635223.
Phoemela nakakahumaling ang katawan
Hot Momma si Phoemela Baranda. Palaban ang kaseksihan. Nakakahumaling ang hubog ng katawan.
Puro magaganda ang mababasang komento sa kanyang Instagram account tuwing nagpo-post ito naka-bikini.
@maggie_flores17, “Sexy phemy!”
@brodieeez, “Yum” hot mo idol satap



@jeffomalza, “ganda mo talaga maam”
@ynnoj_kram, “look so perfect shape”
@mohsenshay, “Gorgeous @phoemelabaranda”
Panalo talaga!