HAVEY: Ang Probinsyano ay ang 2015 action-drama television series based on the 1997 film of FPJ with the same title.
Nagsimulang umere noong September 28, 2015, lumawak ang istorya at mula doon sa pagpasok sa pulis ni Kardo, na ngayo’y nasa PNP na, may bubuksang bagong kabanata at makakasama na siya sa SAF (Special Action Force) ng kapulisan.
Noong weekend, nagkaroon ng pagdiriwang sa bahay mismo ng lead star nitong si Coco Martin, at kasama ang Presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, Broadcast Head Cory Vidanes, at TV Production Head Laurenti Dyogi, in-announce na extended hanggang January 2018 ang naturang teleserye.
May mga character na magpapaalam dahil ang ibang artista rito ay naka-commit na sa ibang teleserye, pero maraming mananatili at may mga bagong parating.
Siguro naman ay may makakatuluyan nang pakasalan si Coco Martin kahit sa kuwento lang.
Bakit ba hindi si Julia Montes ang ilagay roon?
Well, tama ang desisyong paghiwalayin sila ng teleserye para hindi magsawa at mabigatan ang mga tao kung tunay man silang may relasyon.
Si Julia ay may sisimulang bagong teleserye kasama sina Jake Cuenca at Angelica Panganiban, samantalang si Coco ay may Yassi Pressman na leading lady sa Ang Probinsyano.
May plano pang gumawa si Coco ng pelikula kasama si Awra na sana’y maipalabas bago matapos ang taon.
Sa kabila ng lahat ng ito, ang katapat ng Ang Probinsyano na Encantadia ay magtatapos na sa Mayo. Unless gulatin din tayo ng extension na naman nito.
***
WALEY: May katotohanan pala ang tampo ng isang network sa isang character actress dahil sa ginawa nitong paglipat ng channel kamakailan.
“OK naman sana, tapos naman na ang role niya sa serye. Alam naming palipat na siya, normal ‘yun, pero sana, nagpasintabi muna siya bago gumamit ng social media para mag-announce ng bagong project niya sa publiko,” sabi ng staff ng pinanggalingan ng crossover star.
“Puwede sana niyang ni-request sa bago niyang soap na ‘di na muna siya lalabas sa kahit na anong publicity materials tungkol sa bagong show hangga’t ‘di pa nagtatapos ang pinanggalingan niyang programa.
“Puwede ‘yun. It’s not as if nira-rush ang bago niyang teleserye. Matagal pa ang airing nu’n.”
Magandang panuntunan lalo na showbiz — you don’t burn bridges.
Bakit? Dahil napakaliit at matandain ang mga tao sa komunidad na ito.
Hindi kataka-taka na makakatrabaho at makikita mo pa rin ang mga taong nakasama mo na sa production.
Kaya dapat ingat lagi sa powers mo!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.
hahaha!! wow nmn Mr. Ferrer nde nmn kita s mga panulat mo n bayad n bayad k s publicity ng Ap hahahaha!! no wonder n laging pabor s brand x ang mga write ups mo…at isa pa wag mong itulad ang gawain ng brand x s GMA n con todo extend kahit n pinagsasawaan n gaya nang ginawa nila s be carefull with my heart . na pinaabot nila ng 2 mahigit at s kalaunan pinakain lng ng alikabok ng show ni Ryzza. ang ENCA alam n lahat n patapos n this May dahil may pamalit cla nde tulad ng brand x mo ng pinilit at pinush nila n i extend kc wala talga cla maisip n show n
ipalit yun lng yun…bobo!! hahahaha!! esep esep nmn pag may time hahahaha!!
isa pa itong malaking BOBO…bakit kaya ieextend ang isang palabas kung hindi MAJOR HIT? BAKIT KAYA TATAPUSIN NA ANG TELESERYE NG ALDOG kung hindi major hit? malamang MAJOR FLOP ANG ALDOG. bwahahaha….sorry na lang sayo bakla….common sense lang siguro ano…tatanga tanga kang gunggong…palibhasa mga loserrrr kayo…
@disqus_rpG7KPHxSq:disqus – hahaha!! ta ngah!! mas BOBO ka unggoy!! ang kabobohan mong ipagkalat d2 unggoy…ang style ng brand x mo style nung 90’s n bulok n at halos 2-3 taong serye kaya sila pinagsawaan ng mga manonood. in return wala ng recall pa ang mga manonood hahaha!! tama major hit ang ap mo s VIZMIN n ang mga manonood mostly taga bundok n gaya mo unggoy hahahaha!! ta ngah!