Ang sweet potatoes kung tawagin sa ibang bansa at kamote naman sa atin ay nagtataglay ng mga sikretong may malaking tulong sa ikabubuti ng ating kalusugan. Hindi lamang masarap ang lasa nito kundi napakainam din kung benepisyo para sa kalusugan ang pag-uusapan.
1. Nagtataglay ito ng maraming antioxidants na siyang lumalaban sa mga free radicals na nakakasira sa ating mga cells. Ang kamote ay may beta-carotene, chorogenic, acid and polyphenols. Ang mas makulay na sweet potato ang siyang may higit na mas maraming antioxidants.
2. Ang baked, steamed at nilagang kamote ay nakakabawas ng bad fats. Ito ay dahil sa tinataglay nitong calories.Huwag mo lamang lalagyan ng cream, mayonnaise, butter at iba pang delights na nakaka-attract sa atin.
3. Ang kamote ay isang magandang source din ng Vitamin A. Ito ay mainam sa pagmimintina ng mabuting kalusugan ng paningin at mainam din para sa immune system.
4. Kapag kumakain ka ng carbs at wala kang masyadong nakukuhang protina, ang level ng blood sugar mo ay tumataas at magbibigay ito sa’yo ng kakaibang lakas. Subalit ito ay maaaring mag-lead sa sugar crash. Para mamintina mo o mapanatili ang level ng iyong blood sugar ay kumain ka lang ng kamote. Ito kasi ay mababa sa glycemic index at siyang nakakabawas sa load ng pancreas. Kaya sa pagkain mo ng kamote ay napoprotektahan mo na rin ang sarili mo laban sa diabetes.
5. Bukod sa Vitamin A ay nagtataglay din ng Vitamin B6 ang sweet potatoes na siyang tumutulong para sa pag-digest ng proteins, pagmimintina ng brain function gayundin sa nervous system.
6. Nakakapagpaganda at nakakapagpakinis rin ng kutis ang sweet potato. Ito ay dahil naman sa Vitamin C na taglay nito. Nakakatulong ito sa pagbuo ng collagen na siyang tumutulong sa pag-bind ng skin cells. Tumutulong din ito sa paghilom ng sugat.