Ang mga karakter sa Pokemon na sina Hitmonlee at Hitmonchan ay kinuha mula sa pangalan ng mga sikat na martial artist na sina Jackie Chan at Bruce Lee.
***
Arctophile ang tawag sa mga taong mahilig mangolekta ng teddy bear.
***
Ang mga pirata ay nagsusuot ng hikaw dahil sa paniniwalang nakakapagpalinaw ito ng mata.
***
“El Pueblo de Nuestra Señora la Reina delos Angeles de Porciuncula” ang kumpletong pangalan ng “Los Angeles”.
***
Ang octopuses ay mayroong apat na pares ng braso.
***
Ang unang inimbentong alarm clock ay permanenteng naka-set lang sa 4AM.
***
Pinakamabagsik na nakalalasong jellyfish ay ang Irukandji at ito ay mas maliit pa sa human fingernail.
***
Ang suso, ayon sa pag-aaral, ay may apat na ilong.
***
Magiging isa ang lasa ng mansanas, patatas, at sibuyas kapag ito ay kinain mo ng barado ang iyong ilong.
***
Sa bansang Taiwan ay mayroong isang kumpanyang gumagawa ng mga platong gamit ay harina, literal na puwedeng kainin pati plato.
***
Si Marco Hort ang may hawak ng world record na nakapagsubo ng 264 straws sa kanyang bibig.
***
Si Mel Blanc na nagbigay boses kay Bugs Bunny ay allergic sa carrots.
***
Ang state of California sa Estados Unidos ay nakapag-issue ng anim na drivers license sa pangalang ‘Jesus Christ’.
***
Ang oysters sa Carribbean ay nagagawang makaakyat sa puno.
***
Alam niyo bang kinakain ng mga bulate ang sarili nilang dumi.
***
Ayon sa pag-aaral, nakakalimutan ng mga squirrels ang kalahating porsiyento ng mga itinago nilang mani.
***
Mahigit 1,000 ibon ang namamatay kada taon dahil sa aksidenteng nababangga sa mga salamin ng bintana.
***
Ang Samson Road sa Caloocan City ay ipinangalan kay Apolonio Samson. Isa siyang opisyal ng Katipunan na nakipaglaban kasama ni Andres Bonifacio sa mga Kastila.
***
Ang kalye ng Tayuman sa lungsod ng Maynila ay ipinangalan sa isang uri ng halaman na dating sagana sa nasabing lugar na tinatawag na tayum. Mula sa dating San Lazaro Hippodrome sa Sta. Cruz, ang kahabaan nito ay umaabot hanggang sa Pritil sa Tondo. Bahagi ng Circumferential Road 2 o C-2 ang kalye ng Tayuman.