“Ang tama ang laging magwawagi. Iyan po ang aming paniniwala, bali-baliktarin man ang mundo”.
Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo sa flag raising ceremony sa Camp Crame kahapon kasabay ng ikaapat na anibersaryo ng Center for Police Strategy and Management na itinatag ng kanyang mister na si dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo bago pumanaw noong Agosto 2012.
“Naalala ko po si General Bato sa sinabing iyan ni Jesse. Kasi noong Biyernes, sinabi niya sa kanyang speech na inaalok siya ng malaking pera ng mga tao sa illegal gambling operations. Totoo pong maraming tukso at panganib ang inyong trabaho,” ani Robredo.
Dahil dito, lubos aniya ang paghanga niya sa mga pulis na hindi nagpapatukso at sa halip ay maayos nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin na siyang nais din ng kanyang yumaong mister.
good luck ms. leni totoo yun ang katotohanan ang sya magwawawgi at alam naman natin lahat talaga kung ano ang katotohanan kaya lang kahit alam na natin ang totoo ay pilit pa rin tayong nag bubulagbulagan, ayoko sabihin na robredo kasi hinahangaan ko si sir jessie robredo
oo ang tama ang magwagi… kaya good luck sayo…