Kinagisnan na natin ang pagsasabit ng parol tuwing Kapaskuhan. Pagpasok pa lamang ng “ber” months ay naiisipan na agad nating mag-decorate sa ating mga bahay.
Hindi mawawala sa ating dekorasyon ang parol. Kahit hindi pa Pasko at nakikita mo nang nakasabit ang inyong parol o parol man ng kapitbahay ay mararamdaman mo na agad ang simoy ng Kapaskuhan. Ito ay dahil sa bahagi na talaga ito ng ating pagdiriwang.
Pero bukod sa napakaganda nitong Pamaskong dekorasyon ay meron pa itong mas mahalagang layunin.
Ang orihinal na layunin nito ay maging ilaw sa daraanan ng mga taong nais pumunta sa simbahan bago pa lamang sisikat ang araw. Kung gano’n, napakahalaga pala ng layuning ito ng parol dahil ito ay nagsisilbing tanglaw.
Sa kabila nito, ang parol ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ang pinagbasehan nito ay ang Mexican piñata.
Nakakapayapa pa rin ng damdamin ang makakita ka ng mga lumang style ng parol kahit pa sa kasalukuyan ay napakarami nang bagong style nito na naglipana.
Kapag kasi mga sinaunang design ang nakikita mo ay parang bumabalik sa’yo ang panahon ng iyong kabataan kung kailan ang Pasko ay mas damang-dama mo noong ikaw ay musmos pa lamang. Nangangaroling kasama ng iyong mga kalaro.
Mapagsarhan man kayo ng pinto at bintana ng pinangangarolingan niyo ay masaya pa rin kayo dahil nakakita kayo ng magandang parol.
Sa kakarampot na baryang paghahatian nyo ay bahagi ang parol na nakikita nyo sa maraming bintana.