Naniniwala si Senador Sonny Angara na ang Expanded Maternity Leave Law ay magko-complement sa panukalang Expanded Breastfeeding Promotion Act dahil pareho aniya itong may layuning protektahan ang karapatan ng mga manggagawang ina na magpasuso ng kanilang sanggol na anak.
Pinirmahan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Expanded Maternity Leave Law na magkakaloob ng 105 day paid maternity leave sa lahat ng manggagawang ina sa public at private sector, kasal man o hindi.
Kapag naisabatas ang breadfeeding bill, sinabi ni Angara na magiging malaking tulong ito sa pag-promote ng bansa sa mga breastfeeding mother dahil tunay naman aniyang magbebenepisyo ang sanggol sa malusog na gatas ng ina.