Angara COVID positive uli

Muling dinapuan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Senator Sonny Angara matapos itong magpasuri bilang paghahanda sa muli niyang pagdo-donate sana ng blood plasma.

Sa kabila ito nang mahigit na isang buwan matapos na makarekober at makapag0 donate ng kanyang blood plasma sa isang pasyenteng positibo sa virus sa Philippine General Hospital (PGH).

“ It has been close to one month since I recovered from COVID-19. But while preparing to donate my blood plasma for a second time, my doctors, after the results of the initial antibody test taken before donating, had me take another swab test, which registered positive,” sabi pa sa statement ng senador sa Facebook.

Dahi dito, maging ang kanyang misis na si Tootsy ay sumailalim sa test subali’t nagnegatibo naman sa virus.

“My wife Tootsy has tested negative, which could be proof of what my doctors are positing that I am probably no longer infectious and that this latest positive result is probably picking up remnants of the virus,” ayon kay Angara.

Gayunman, sinabi nito na muli siyang didistansiya sa kanyang pamilya at hindi na rin muna dadalo sa sesyon ng Senado para hindi na siya makahawa ng iba pang tao.

“ Nothing is 100% sure at this point so it is best to be prudent and cautious and thus it is best that I not attend Senate sessions in person for the risk posed to others. And we will follow the usual quarantine procedures for myself and members of my household as a precaution,” sabi pa nito.

Ayon sa senador ,walang katiyakan sa panahon ngayon kung kayat dapat manatiling maingat.

“It was hard being isolated from my family before when I tested positive. I felt so much joy and happiness when I was cleared and was able to kiss and hug them again. Now I’m back in isolation. I am hopeful that soon our lives will return to normal,” ayon pa kay Angara.

Patuloy naman aniya siyang magtatrabaho kahit naka- self quarantine sa pamamagitan ng teleconferencing.

Kasabay nito nagpasalamat ang senador sa mga frontliner at hinikayat ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa mga panuntunan ng gobyerno.

“I will continue to stay at home for now but I will participate in Senate proceedings through teleconferencing which the Senate may allow starting Monday after an amendment to our Rules. Rest assured that I will continue working from home like many of our countrymen and performing my duties as senator to the best of my ability,”pahayag ni Angara.

Hinimok niya ang lahat na sumunod sa quarantine rules at patuloy na mag-ingat para hindi mahawahan ng virus.(Juliet de Loza-Cudia)