Angara sinuyo ang mga OFW sa HK

Mainit na pagsalubong at pagtanggap ang ibinigay ng mga overseas Filipino worker (OFW) kay re-electionist Senator Sonny Angara sa kanyang pagbisita sa mga Pilipino sa Hong Kong nitong nakaraang araw ng Linggo.

Ito ay upang hilingin mula sa mga OFW ang kanilang suporta sa kanyang kandidatura, da­lawang linggo bago ang pagsisimula ng absentee voting para sa eleksyon sa Mayo 13.

Sa kanyang pagharap sa mga kababayan sa Hong Kong, buong pagmamalaking inihayag ni Angara ang iba’t ibang batas na kanyang nilikha para sa kapakanan ng mga OFW.

Patunay ito aniya na hindi lang puro salita at pangako ang kanyang ginagawa kundi may solidong aksyon na nakikita ng mamamayan.

“Mula libreng kolehiyo, libreng tulong pang­kalusugan, ang bagong OWWA law at ang repatriation programs sa ating OFWs, hindi po laway lang ang ibinibigay sa ating OFW,” ani An­gara sa kanyang pakikipanayam sa mga OFW sa Chater Road.

Tinukoy ni Angara ang Republic Act 10801 o ang OWWA Act of 2016, kung saan isa siya sa mga awtor at sponsor bilang tagapangulo noon ng Senate Committee on Labor, Employment ang Human Resources Deve­lopment. (Dang Samson-Garcia)