Angas ng mag-utol na Ildefonso, nasa laylayan ni erpat!

Tila nabibigyan ng maraming oras at tira ang magkapatid na Dave at Shawn Ildefonso sa court, lalo na tuwing fourth period.

Kung kaya’t tiwala na ang mag-utol na Ildefonso na gumawa ng mga play para sa NU Bulldogs tuwing clutch time.

Sa kanilang laban sa UP Maroons noong Linggo, nakapukol ng tres ang nakakabatang Ildefonso na si Dave at nakaiskor din sa fastbreak ang panganay na si Shawn sa huling 25 seconds na natitira sa orasan upang maibaba sa isa ang kalamangan ng UP.

Yun nga lang, hindi nakaiskor sa huling sag­lit ang kanilang teammate na si JV Gallego at tuluyang nakawala ang UP sa larong iyon, 88-89.
“The silver lining of this loss is that we bonded as a team, and I think we’re gonna come back,” sabi ni Dave na kung saan nagtala siya ng 20 points, six rebounds, at six assists.

Nang tinanong kung gaano nakatulong sina NU coach Jamike Jarin at ang kanilang ama na si Danny Ildefonso, eto ang kanilang sinagot.
“Kilala ako ni coach Jamike eh, he knows my play and what I’m capable of [doing], and that’s why he’s giving me the trust and that’s why I’m here playing for NU,” paliwanag ni Dave.

“Blessed kami to be part of it, yung system ni coach Jamike,” dagdag ng panganay na si Shawn.

Ganito pala kalaki ang tiwala ng NU sa magkapatid na Ildefonso.