Hostile crowd, deafening noise plus a strong determined start.
Ngunit, datapwat experience plus pressure mastery prevailed.
Ganyan kung maiuugnay ang naging huling rigodon ng Houston at GSW kahapon.
Dahil sa mainit na simula, nakuhang umigkas sa 15 na kalamangan ang Rockets ngunit kinulang nga sa gasolina sa gitna ng mainit na 3rd quarter storm ng Warriors.
Sa kabuuan, inulan ng GSW ng 33 points ang Rockets na nakagawa lamang ng 15 puntos sa naturang kwadra. Binomba ng Rockets ang Warriors ng 27 na sunod na triples ngunit ni isa ay walang tumama ngunit nakaposte naman ito ng bagong record sa dami ng three-point attempts sa second half.
At ganun na nga. Sa pang-apat na sunod-sunod na pagkakataon, GSW na naman at Cavaliers ni LBJ ang maghaharap sa NBA Finals simula Biyernes. Whew!
Na-miss ko lang sumulat ng pressure-cooker basketball game kaya’t pagbigyan niyo na po.
Isa pang nais natin batiin ang pangkat Warriors. Dahil siguro sa pagiging galing natin sa Unibersidad de Este kaya mas pabor tayo sa Warriors. Greatness, however, is now already greatly shared by GSW and Cleveland bago pa man magsimula ang Game 1 ng NBA Finals.
Ok na. Huminga na muna tayo. Sa susunod na pasada na muling tatalakay ang Motorista tungkol sa walang humpay na hagupit ng mga oil price hike!