Binabantayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)-Malolos City ang galaw ng sobrang imbak na tubig ng Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.

Sa impormasyon mula sa tanggapan ni Liz Mungcal, pinuno ng PDRRMO, Miyerkoles ng hapon nang magsimulang magpakawala ng tubig ang dam matapos umabot sa 215.28 meters ang water level nito.

Dahil dito, bahagya nang bumaba ang tubig at naitala ang 214.26 meters na antas nito kahapon. Ayon pa sa opisyal, nananatili pa ring nasa kritikal na kondisyon ang dam dahil ang normal high water level nito ay nasa 212 meters.

Nasa ilalim na ng monitoring ng lokal na pamahalaan ang mga maa­apektuhang lugar sa pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam, kabilang na rito ang coastal area ng Pulilan, Calumpit at Hagonoy.