Malaki ang posibilidad na magtagal pa ang ipinatutupad na water rotational interruption sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ito ay sa dahilan patuloy ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan nitong Sabado.

Nabatid sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bumaba sa 177.03 meters ang tubig sa nabanggit na dam kumpara sa 177.50 meters noong Biyernes.

Gayundin, nabawasan pa ang lebel ng tubig sa Ipo dam na mula sa 101.02 meters noong Biyernes ay naging 100.98 meters na nitong Sabado.

Nabatid na nagsimula na rin noong Oktubre 24 ang ipinatutupad na water rotational interruption ng Manila Water at Maynilad. (Juliet de Loza-Cudia)