tonite-pak-allan-diones
Inamin ni Angel Aquino na nagkaroon na siya ng mga karelasyon na mas bata sa kanya.
Ang huli raw niyang na­ging boyfriend ay 11 years younger than her. But the guy was ahead of his age, mas mature daw ito kesa sa ibang lalaki na nasa early 30’s.
Medyo mas gets siya nito at gets niya rin ito, tapos ay very respectful ang nasabing guy. 45-anyos si Ms. Angel, but she looks much younger than her age.
Ayon sa magandang aktres, sa ganu’ng klase ng relasyon ay parehong may take away ang babae at lalaki. You both learn from each other.
Ngayon ay meron siyang karelasyon, pero hindi niya nabanggit kung mas bata, mas matanda o kaedad niya ito.
Sa showbiz, ang alam naming na­ging nobyo ni Ms. Angel noon ay si Lui Villaruz, na 5 years younger than her.
May balita pang nagbalak na silang magpakasal noon ni Lui, pero hindi ‘yon natuloy.
Nagkaroon din siya ng isang Iranian boyfriend na engineer at based sa Qatar.
In fairness ay mukhang dalaga pa rin ang itsura ni Ms. Angel, na nanatiling beautiful and sexy kahit meron na siyang dalawang dalagang daughter, sina Iana (22) at Thea (20).
Samantala, ang karomansahan ni Ms. Angel sa May-December affair digital film na si Tony Labrusca ay umaming kina­inlaban dati ng isang older woman.
35-anyos ang nasabing babae, na may asawa na’t mga anak. Kaibigan ito ni Tony, na nagtapat sa kanyang inlab ito sa kanya.
Hindi niya raw ito pinatulan dahil bukod sa may edad ito sa kanya ay may asawa na nga ito. Baka patayin daw siya ng mister nito.
At that time ay 20-anyos ang ­Kapamilya hunk, so bale 15 years ang age gap nila. Ngayon ay 23 na si Tony.
In fairnesss ay naintindihan daw ni Tony ang kalagayan nu’ng babae dahil nasa isang arranged marriage ito at hindi ito masaya.
Hindi ito iniwasan ni Tony. Nandu’n pa rin daw siya to comfort her, but not to entertain her fantasy.
 

Anak nina Dingdong-Marian walang big party

Sa darating na Biyernes, (November 23) ang 3rd birthday ng panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia.
Sey ni Dong, walang big party si Zia, pupunta lang sila ng Japan dahil gusto pala ng bagets na mag-Disneyland.
Bago mag-birthday si Zia ay ia-announce daw nilang mag-asawa kung anong gender ng kanilang second baby na ipinagbubuntis ni Marian.
Wala raw gender reveal party, ipo-post na lang nila ito sa social media. Alam na nila ang gender nito at sa ganda ng ngiti ni Dong, feeling ng showbiz press ay boy ang bago nilang baby.
Nabanggit namin kay Dong na kinabog silang mag-asawa ni Zia nu’ng nakaraang Halloween at tanggap niya raw ‘yon.
Bago nila inayusan bilang Joker ay pinapanood pala nila muna si bagets ng clips ni Heath Ledger sa “The Dark Knight” kaya ­sobrang in character si Zia.
Hindi puwedeng matagal na magbakasyon si Dong abroad dahil kailangan niyang bumalik para sa taping ng “Cain at Abel” nila ni Dennis Trillo, na magsisimula na ngayon sa GMA Telebabad kapalit ng nagpaalam nang “Victor Magtanggol” ni ­Alden Richards.
Pangmasa appeal ng ‘Sunday PinaSaya’ tinapatan ng ‘ASAP’
ASAP Natin ‘To!” na ang  pamagat ng bagong reformat na “ASAP.”
Mukhang pang-masa ito para mas makasabay sila sa katapat nilang programa na “Sunday PinaSaya.”
Opisyal nang parte ng 23-year-old musical variety show ang newest Kapamilya na si Regine Velasquez-Alcasid at sasamahan niya ang mainstays nito na sina Gary Valenciano, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Daniel ­Padilla, Ogie Alcasid at iba pa.
Nagkaroon ng bonggang song number si Sarah kasama ang TNT Boys na pasok na rin sa show.
Nakipagbiritan showdown naman si Songbird sa singing champions na sina Angeline Quinto, KZ Tandingan, Jona, Jed Madela, Erik Santos, atbp.
Sa pag-entra ni Songbird ay tila nagkaroon ng bagong excitement ang “ASAP ­Natin ‘To!”