Mala-Spice Girls ang dating ng bagong international girl group na Angel 24. Nabuo ito sa Japan at hawak ng Victoria Project Talent Center. Karamihan sa kanila ay mga half-Pinoy at half-Japanese.

Ang mga miyembro ay nasa edad 12 hanggang 20.

Anim na buwan ang naging rigid training ng Angel 24 sa pagkanta at pagsayaw. Ito ay pahayag ng kanilang manager at dating artista na si Madam Vicky Varga- Ozawa na nakabase sa Japan.

Ngayong taong ito ay dadalhin ni Madam Vicky ang Angel 24 sa ‘Pinas para mag-promote ng kanilang kanta.

Ilan sa awitin ng Angel 24 ay si Vehnee Saturno ang nag-compose. (Roldan Castro)