Speaking of Angelica, marami ang natutuwa sa friendship nila ni Angel Locsin.
Hindi maikakailang may matinding away noon ang dalawa sa set ng One More Try ng Star Cinema.
Ang tsika kasi, nagkasakitan sa isang eksena ang dalawang aktres.
Matindi raw noon ang tension sa set ng nasabing pelikula.
Pero 2012 pa ‘yon at sa ilang taon na nagdaan, naging maganda na ang samahan nina Angelica at Angel at ngayon, the best of friends na sila.
‘Yung pinost ni Angelica sa Instagram na picture nila ni Angel kung saan binati niya ng happy birthday ang kaibigan ay sobrang nakaka-touch.
“Happy Birthday ganda, galak na galak ang puso ko, dahil nakilala kita sa mas malalim na aspeto.
“Hindi man fairy tale ang simula ng friendship natin, naniniwala akong may happy ending tayo.
“And we will live happy ever after. ♥ maraming salamat sa lahat. Kasama ako sa mga nagmamahal sa yo.”
Ramdam na ramdam na napaka-sincere ni Angelica sa pagbati niyang ‘yon kay Angel ng happy birthday, huh!
Anyway, may nakapagtsika sa amin na soon ay magkakasama uli sa isang pelikula sina Angelica at Angel.
***

NAKITA na naman na magkasama ang ex-sweethearts na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.
Close friends lang ba sila o there’s something romantic going on again between the two of them?
Mismong ang ibang mga nakakita sa kanila na magkasama ay nagtatanong, huh?!
Saka ang tsika, nagpunta rin daw kamakailan si Angelica sa Tali beach property ni John Lloyd, pero hindi lang natsika ng source namin kung nandoon ba ang aktor.
Ang alam namin, may property sa lugar na ‘yon ang aktor at sabi ng source namin, “He also rents out!”
Nag-rent lang ba si Angelica sa Tali beach house ni John Lloyd o magkasama sila na nagpunta roon?
Anyway, ipinakita sa amin ng source namin ang ilang pictures ng Tali beach property ni John Lloyd at ang ganda-ganda no’n.
“His house is beautiful!” sey pa ng source namin.
Sa nakita namin, super ganda ng bahay at pati ang swimming pool, ang bongga rin, ‘noh?!
***
Noong hindi siya masyadong active sa showbiz at based pa sa Amerika at abala sa pagbebenta ng properties, pakanta-kanta sa ilang Pinoy shows sa iba’t ibang lugar doon si Gabby Concepcion.
Medyo nahasa sa pagkanta si Gabby dahil ‘yon ang isa sa mga pinagkaabalahan niya noon sa Amerika habang hindi nag-aartista sa ‘Pinas.
Nang maging active na uli sa showbiz, hindi pa rin iniwan ni Gabby ang pagkanta-kanta.
May shows pa rin siya sa iba’t ibang bansa kung saan ay kinakantahan niya ang mga kababayan natin.
Mamayang gabi sa Full House Tonight kung saan guest si Gabby, hindi palalampasin ni Regine Velasquez-Alcasid ang pagkakataon na maka-duet ang aktor, huh!
Ang bansag ng mga taga-GMA 7 kay Gabby ay “daddy for all seasons” dahil kahit marami nang anak ang aktor ay mabiling-mabili pa rin siya bilang leading man at nagre-rate ang afternoon series niyang Ika-6 Na Utos, na ginawan ng spoof sa episode mamaya ng Full House Tonight.