CRISPY pata. Pata-tim. Nilagang pata. Patang nilahukan ng kadyos at kung anu-ano pang luto tungkol sa pata…

Sa kasalukuyan, lahat iyan ay patama sa sexiest Pinay of 2016, si Jessy Mendiola.

Perfect ang body types of the bashers and haters kaya todo ang body shaming nila kay Mendiola.

Kumbaga, 36-24-36 ang kanilang vital statistics. May chance na kasintangkad sila ni Giselle Bundchen.

Ang aura at kariktan nila ay so near the supermodel triumvirate of Naomi Campbell, Linda Evangelista at Cindy Crawford. Isama mo na sina Christy Turlington at Paulina Porizkova.

 O para mas current, kawangis nila si Miranda Kerr, Adriana Lima at Cara Delavingne kaya pakiwari nila eh may authority sila na maliitin ang alindog ni Jessy.

Ang masasabi ko sa body shamers ni Jessy Mendiola, “real women have curves” and yes, “real women are eaters.”

Sa America and in other parts of the planet, may plus size female and male models na and they are making great fortune.

Ano ba ang sexy sa inyo?

‘Yung parang si Kate Moss lang na grungy, waifish at nanlilimahid looking?

Iyung very Calista Flockheart na reed thin o Kim Chiu na of babaing tuod proportions?

***

Kaya si Lovi Poe, matapos i-post ang lara­wan of her hita and binti and labelled it as “pata,”

Lovi Poe
Lovi Poe

marami na agad na nag-one plus one equals 20, na parunggit niya ito para kay Mendiola.

Agad-agad, may paliwanag si Lourdes Virginia, “Of course not. She’s indeed one of the most beautiful and sexiest women in the industry.

“Let’s not put meaning to this post po. God bless.”

Pakisabi rin kay Lovi na dahan-dahan siya sa mga kiyeme latik niyang “realistic” ang intimate scenes nila ni Tom Rodriguez at “masarap itong humalik.”

Neng, hindi ito ang tamang pan-drumbeat para sa bago ninyong teledrama na Someone To Watch Over Me.

Mas mainam na ichika mo kung bakit “bago” at “kakaiba” ang dramang ito kesa sa mga dating ginawa mo na at kung lumutang ba ang pagka-aktres mo.

Ang early PR slant kasi, parang you are promoting a soft porn flick na may chance na SPG ang rating dahil sa elementong sekswal.

Hindi naman siguro ipapakita ang sexual congress scene ninyo ni Tom na buong-buo.

At sana rin, walang PR slant na lumabas na baka magselos kuning-kuning si Carla Abellana sa pan-TV kuyangyang­ngan ninyo ni Rodriguez.

***

Angel Locsin
Angel Locsin

Si Angel Locsin, ibi­nalandra rin ang kanyang hita sa isang picture post na ang emotada encarnacion ay, “Luma – I love life.”

Of course, kahit anong posts ni Angel will always be miscontrued as patama kay Mendiola lalo na’t ang mga hita niya ang captured for posterity sa larawan.

Maakusahan na naman ang dalaga na ginagamit si Jessy at ang binti at hita nito para sa promo of her movie na Third Party.

May mga umaanggulo rin kasi na “inahas” ni Mendiola si Luis Manzano kay Locsin kaya ang babaing bilugan ang tunay na pangatlong angle sa bizarre love triangle na ito.

At the rate things are going, Angel seems to be enjoying all the attention na ibinibigay sa kanya with her biyuda sa buhay card played oh so well.

Ang dapat nating i-promote ay ang healthier body types na angkop sa iyong height at healthier eating choices and exercises. Kung hindi ka talaga kagandahan, huwag naba kumuda at humanash.

Please lang, kumilos ayon sa inyong ganda.

***

Kay Jessy, enjoy-in mo lang ang iyong sexiest woman moment at nawa’y makatulong ito sa iyong karera.

I hope you will not suffer the same fate of Sam Pinto.

Two years in a row naging sexiest woman si Sam pero ngayon ay no­minated na para maging the WHO.

One Response