Namataan sina Angel Locsin at Sam Milby sa isang fine dining restaurant sa may Scout area sa Quezon City noong Lunes nang gabi.
Co-stars sa Third Party movie ng Star Cinema sina Angel at Sam at mukhang galing sila sa promo.
Mukhang hindi naman sila magka-date at nagpalipas lang yata ng oras si Angel dahil pupunta pa siya sa ABS-CBN para sa guesting niya sa Tonight with Boy Abunda.
Very ‘showbiz’ ang fine dining restaurant na ‘yon that night dahil nandoroon din ang grupo ni Jay Manalo, pati ang ilang handlers ng Star Magic. Namataan din namin na may kausap na isang kaibigan na dating taga-TFC (The Filipino Channel) si Bb. Joyce Bernal.
***
Nakakuwentuhan namin ang GMA 7 teen star na si Bianca Umali nang magkasabay kami sa isang Glam Squad Salon sa may Timog Avenue, Quezon City noong Lunes nang hapon.
Wala si Miguel Tanfelix sa tabi ni Bianca nang makita namin ang teen star.
Inulit namin kay Bianca ang madalas naming sabihin sa ilang GMA 7 executives na ang ganda-ganda ng kanyang mukha.
Sa pakikipagkuwentuhan pa namin kay Bianca, nalaman namin na ulila na pala siya at kasama niyang nakatira sa Parañaque City ang kanyang lola. Kapag may trabaho naman daw sa Quezon City, naka-stay siya sa isang condomonium unit na inuupahan niya, pero sinasamahan pa rin daw siya ng kanyang lola.
“Masyado po kasing ma-traffic kung sa Parañaque pa po ako manggagaling kapag may trabaho ako sa Quezon City. ‘Yung lugar po ng condominium na nire-rent ko po, ‘yon din po ‘yung lugar kung saan dating nakatira sina Barbie Forteza,” kuwento pa ni Bianca.
Grade 11 na raw si Bianca at inabutan siya ng K-12, pero okey lang daw. Sa isang Catholic school sa Parañaque City siya nagho-home schooling, pero may mga araw raw na kailangan din niyang pumasok.
“Hindi na po kasi kaya ‘yung regular schooling kasi madalas may taping,” sey niya.
Medyo maliit daw si Bianca sa height niya na 5’2” at pangarap daw niya na tumaas-taas dahil 16 years old pa lang naman siya. May iniinom nga raw siya na supplement na sana raw ay totoong puwede pa siyang tumangkad.
Sabi naman namin kay Bianca, babae naman siya at puwedeng mag-heels kapag dalaga na talaga, pero ang may problema kapag hindi na nadagdagan ang height ay ang ka-loveteam niyang si Miguel na medyo maliit talaga sa edad nito na 18.