Angel ayaw maging Senador

NI: Mildred A.Bacud

Sa launching ng Regal Movies At Home ay nagbigay ng mensahe si Angel Locsin sa publiko habang nasa kabilang linya ang dating kapareha sa pelikulang I Will Always Love You na si Richard Gutierrez. Sinabi ng aktres na nagpapasalamat siya sa Diyos at nanatiling healthy ang pamilya sa gitna ng pandemic. Mapalad pa mga raw silang mga artista kung ikukumpara sa mga ordinaryong tao dahil nakakakain sila ng maayos habang ang iba ay hindi alam kung saan kukuha.

Umani ng papuri si Angel sa kanyang partisipasyon sa krisis ng COVID- 19.

Sa programa niyang #UniTentWeStandPH nakapagpatayo na siya ng maraming shelter na pansamantalang tinirhan ng mga frontliner at mga pasyente . Ito ay sa layuning matugunan ang overcrowding sa mga ospital na nangangalaga sa mga positibo sa naturang sakit.

Dahil sa pagiging consistent ng aktres sa pagtulong marami tuloy ang umuudyok na pasukin niya ang politika.

Daig pa raw kasi niya ang ibang politikong puro satsat at kulang sa gawa.

Isang netizen ang nagtanong sa kaniya kung may balak ba siyang pasukin ang public service .Posible kayang tumakbo siya bilang Senador ?

“Public servant naman po kami bilang mga artista, e. I think ‘yung buhay naman namin is very public. Lahat naman ‘to ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kung ‘di gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao,” sagot niya.

“Pero, politics? Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun,”dagdag pa niya.