tonite-pak-allan-diones

Matapos makipag­laplapan at maki­pag-espadahan ng dila ni Angel Aquino kay Tony Labrusca sa digital film na “Glorious,” ang susunod ay babae naman ang kalampungan ni Angel.

No less than Ms. ­Cherie Gil ang ka-love scene ni Angel sa indie film na ­“Kaputol.” Lesbian director ang role dito ni Ms. Cherie at lover nito si Angel.

Kaabang-abang daw ang mainit na romansahan ng dalawang mahuhusay na aktres sa pelikulang ­“Kaputol” na posibleng pag-usapan, huwag lang daw sana itong putul-­putulin ng MTRCB.

Bale comeback movie ni Direk Mac Alejandre ang “Kaputol” matapos itong mawala nang matagal sa sirkulasyon.

Si Ricky Lee ang sumulat ng script ng pelikula at si Lav Diaz ang cinemato­grapher. Malapit na kaibigan pala ni Direk Mac si Direk Lav, kaya pumayag na maging DOP ng “Kaputol” ang acclaimed filmmaker.

Kasama rin dito si Alfred Vargas bilang kapatid ni Ms. Cherie doon sa film within a film sa istorya.

Nakakabilib ang kapa­ngahasan ng gandarang si Angel Aquino. Wala itong keber kung lalaki man o babae ang kanyang ka-intimate scenes basta alang-alang sa sining.
PAK!!

Lalaki ni Maja ex-BF ni Kelsey Merritt

Si Rambo Nuñez pala ang tinutukoy ni Maja Salvador na nakaka-text niya at nakakasama niyang lumabas, the last time na tanungin namin si Maj kung nakikipag-date ba siya.

May pagka-etchosera si Maja doon sa part na sinabi niyang hindi namin kilala ‘yung guy dahil kilala namin si Rambo, na dati ring nagmu-model at anak ng events organizer na si Tita Marilen Nuñez.

Ang dayalog sa amin ni Maja ay baka ma-jinx kaya ayaw niya munang pag-usapan, pero may non-showbiz guy daw na nagpapasaya sa kanya after almost one year of being single.

Si Rambo pala ang nagpadala sa kanya ng bouquet of red roses nu’ng nakaraang Valentine’s na may card na ang dedication ay, “Thanks for being my Valentine again after 9 years.”

Nagkaroon kasi ng something noon sina Maja at Rambo kaya lang ay shortlived lang. So, bale ‘sequel’ na ito, na tipong balikan o rekindled romance ang dating.

Magka-date ang RaMaj kamakailan sa isang event at sa isang wedding. Open na sila sa pagpu-post sa social media ng pics nila together.

In fairness ay iba ang glow ngayon ng 30-anyos na Kapamilya actress, na mukhang bumagets ang itsura at obvious na inlabey.

Ganda-gandahan si Maj sa kanyang black layered ruffle gown at bagay sa kanya ang bago niyang hair.
Ang daming natuwa at kinilig for Maj dahil alam ng marami sa showbiz na mabait si Rambo at galing sa matinong pamilya.

Si Rambo ay matagal na naging boyfriend ng Fil-Am supermodel na si Kelsey Merritt bago ito nakahanap ng bagong pag-ibig sa hunky Olympic swimmer na si Connor Dwyer.

Kung uso ang hiwalayan ay mukhang uso rin ang balikan, so good luck sa round 2 ng love story ng RaMaj!