Angel, bet ni HIDILYN sa lifestory niya

Angel Locsin

HAVEY: Paparangalan ng Eat Bulaga at ASAP this weekend ang ating Olympic silver medalist na si ­Hidilyn Diaz.

Kabi-kabila ang mga parangal sa kanya ngayon. Nanguna na ang Pangulong Duterte, sumunod ang Senado, tapos kahapon lang sa Marines.

Next week, tatanggap siya ng parangal sa AFP, sa Congress at sa iba pang sangay ng gobyerno.

The private sectors have caught up. Nakalinya na ang endorsements ni Haidi (palayaw niya) at lahat may commitment na tulungan siya hanggang makamit niya ang Gold sa susunod na Olympics sa Japan.

Pagkatapos ng parangal sa kanya, magkakaroon din ng espesyal na Maalaala Mo Kaya episode sa buhay ni Haidi at ngayon magaganap ang pre-interview sa kanya.

Ako mismo ay naantig sa buhay niya dahil nagawang itaguyod ng tatay na tricycle driver at nanay na housewife ang anim na anak.

Si Haidi ang ikalima sa mga anak na ‘yun.

Maganda ring malaman ang lovestory ni Haidi na na-experience ang first heartbreak sa kanyang boyfriend at age 18.

At siyempre, ang hirap at mga hamon na dinanas niya para maipanalo ang bayan sa Olympics na magtatapos sa Lunes.

Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz

Itinanong namin kung sino sa tingin niya puwedeng gumanap bilang Haidi.

Ang sagot niya sa amin — at nahiya-hiya pa noong una, hanggang sa mapilit namin siya talaga – “Sana, si Angel Locsin po!”

‘Yun na!

Nang marinig mismo ng taga-Magpakailanman ang sinabi ni Haidi, patawa na lang na sinabi, “Sige, try naming palipatin si Angel ulit sa amin. Chos!”

***

WALEY: Noong Cinemalaya, na-miss namin ang isang premyadong aktres sa CCP dahil busy ito at ayaw niyang makita ang isang starlet na ayaw lubayan ang kanyang boyfriend.

Huwag lang daw humara-hara ang starlet na ito at baka maingudngod niya ang pagmumukha nito sa EDSA.

Baka mala-Ishma sa isang newbie director noon, mabasagan niya ng itlog ang ulo ng starlet — not one, not two, pero kahit isang dosena!

Sabi ko sa premyadong aktres, this is so beyond her.

Nagtataka ang aktres kung bakit hindi malubayan ng starlet ang kanyang boyfriend at balitang may sightings pang magkasama ang mga ito sa Tomas Morato Avenue at sa iba pang lugar sa QC.

Worse, noong Urian Awards, magkasama ang premyadong aktres at ang boyfriend nito.

Sa gitna mismo ng sere­monya ay tumatawag ang starlet at pinapakiusapan ang lalaki na samahan siya sa Urian dahil nominado raw ito.

Napa-huh na lang ang premyadong aktes.

Nitong Cinemalaya naman, inaaya ng starlet na samahan siya ni lalaki na panoorin ang entry niya.

Napa-huh ulit ang premyadong aktres at good luck sa starlet.

Bakit kaya hindi malubayan ng starlet ang boyfriend ng premyadong aktres?

At si lalaki naman, bakit hindi rin totally makakalas sa starlet kahit sinasabi niyang mahal niya si premyadong aktres?

Ano kaya ang ties that bind?

Naku, magandang plot ito ng pelikula, huh! Inding-indie nga lang.

Kikita kaya ito, Tanglaw Diva?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.