
OBVIOUS na obvious na sina Angel Locsin at Neil Arce na!
Si Neil ang nagdala kay Angel sa surprise birthday salubong para kay Angel ng mga kaibigan niya sa Tipsy Pig Gastropub na isa si Neil sa mga may-ari.
Inasalto si Angel on her 32nd birthday nu’ng Sabado nang gabi at mangiyak-ngiyak ang Kapamilya actress sa surpresa.
Bukod sa close friends niya ay nandu’n din ang pamilya ni Angel kabilang ang tatay niyang si Mr. Angelo Colmenares.
Ang movie producer at ex-boyfriend ni Bela Padilla na si Neil ang kasamang dumating ni Angel at ito rin ang nag-abot ng bulaklak sa birthday girl habang umaawit ang lahat ng birthday song.
Bago pa hinipan ni Angel ang kanyang birthday cake ay napansin na niya na mga kandilang mahirap patayin ang sindi ang nakalagay sa cake.
Tawanan ang friends niya dahil ihip siya nang ihip pero ayaw mamatay at muling nabubuhay ang sindi ng birthday candles.
“Hanggang alas-dose ‘yan!” ang biro kay Gel ng nagtatawanang barkada niya.
May isa pa siyang cake na mas malaki ‘yung sparklers na mala-lusis na nakasindi, kaya ang sabi ni Angel ay gusto pang sunugin ang kilay niya ng mga kaibigan niya.
“So this is the feeling of being surprised. Thank you to everyone who came and to those behind this beautiful surprise,” ang caption ni Gel sa video na pinost niya sa Instagram.
Parang hindi siya halos hinihiwalayan ni Neil nu’ng gabing ‘yon.
Lagi itong nasa tabi niya, masayang nagpi-picture at nagbi-video sa kanya habang nagbu-blow siya ng candles.
Siyempre, may pa-birthday post si Neil para sa bagong girlfie nito.
“Happy birthday, Gel! Amazing what 7 years of friendship has done to us! Excited to see what’s next :)” ang sabi nito sa IG, na magkatabi sila ni Angel at parehong kumakain ng ice cream bar o popsicle.

In fairness sa skinhead na co-producer ng Luck at First Sight, ha?
Una nitong naging showbiz girlfriend si Maxene Magalona (na engaged na kay Robby Mananquil), tapos ay si Bela Padilla at ngayon ay si Angel Locsin, no less!
Matagal nang magbarkada sina Angel at Neil, na nagkakasama pa sa mountain climbing escapades with Angel’s beshie, Bubbles Paraiso.
Present din siyempre sa asalto si Bubbles at meron din itong birthday post para sa kanyang ‘wifey.’
“Because this is the Angel that not a lot of people get to see and experience. Thank you for staying true to your name and being such a divine creature here on earth.
“I’ve unearthed this old photo of you and it’s my instant fave. Love you, wifey!” ang caption ni Bubbles sa IG pic na naka-wacky face si Angel.
In fairness ay mukhang happy and inspired ngayon si Angel.
Wait natin kung after this ay magiging open na siya sa pagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Neil at kung magpu-post na rin siya ng pics nila sa social media.
“Ang movie producer at ex-boyfriend ni Bela Padilla na si Neil ang kasamang dumating ni Angel. “.
Kailangan ba talagang banggitin pa Si Bela Padilla? Para Saan? Para ano? Intriga or para magamit Si Angel? Itong mga kapal muks na tabloid writers na ito makapang intriga Lang kahit walang sense or relevance isusulat. Mahiya naman kayo.
Ikaw naman kung makapag-komento. Iyan kasi ang hanap-buhay nila, mag-intriga at alamin ang mga buhay showbiz lalo na ung hiwalayan, mabibilis sila jan para mabilis din ang kita.
tomooo… saka huwag na cxa magbasa kung ganon…