Angel dismayado sa mass testing

NI: RONA RONDA

Hindi na naiwasan ni Angel Locsin na mailabas ang disappointment ng malamang walang mass testing na magaganap sa bansa. Nanggaling din ito mismo kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nakatuon ang pansin ng gobyerno sa pagtungtong ng 30,000 testing capacity sa isang araw. Sinabi rin ng spokesman na dapat ang mga employer ang sasagot sa testing ng kanilang mga empleyado.

Kaya naman hindi makapaniwala si Angel sa balitang ito. Tweet ng aktres, “Misquote lang ba to? Kasi hindi ako makapaniwalang hindi tayo nagpre-prepare for mass testing na kailangang-kailangan ngayon”

Nakaisip agad ng solusyon ang real-life darna dahil agad niyang inanunsiyo sa Instagram ang “Shop & Share” campaign na siyang magbibigay ng pondo para sa mass testing.

Kinakailangan lamang mag-donate ng mga personal na gamit ng mga celebrities na siyang ibebenta sa online auction.

Clueless naman ang batikang journalist na si Atom Araullo sa susunod na mangyayari lalo na sa magiging transition ng bansa sa New Normal.

“The lockdown was hard for everyone, especially the poor, but we accepted it as necessary because we simply did not have the capacity to test, trace, and isolate on a wide scale,” bahagi ng tweet ni Atom.

Karapatan din umano ng lahat na malaman ang mga susunod na hakbang lalo na at unti-unti ng lumuluwang ang mga lungsod sa kanilang mga restrictions.