
“T hanks Nadine!☺️ GAAAAAAME! Congratulations in advance sa Ulan! Exciting!” pakli ni Angel Locsin sa Twitter. May kinalaman ito sa sinabi ni Nadine Lustre na gusto niyang makasama ang aktres sa action movie. Type niya na may sapakan, bugbugan, sipaan, barilan.
Ipinagtanggol naman si Nadine sa isang basher na nagsabing ambisyosa ito.
“Nothing’s wrong with being ambitious. Basta si Nadine matagal na niyang gustong makatrabaho si Ms. Angel Locsin. Very open siya tungkol diyan,” sey ng isang netizen.
Anyway, ngayong March 13 mapapanood ang Multimedia Princess na si Nadine sa pelikulang “Ulan” kasama si Carlo Aquino.
Isang romantic drama ang “Ulan.” Tungkol ito kay Maya (Nadine) na lumaki sa piling ng kanyang lola. Unang namulat si Maya sa mga tikbalang noong siya’y bata nang biglang umulan habang sumisikat ang araw. Ayon sa kanyang lola, ito ay dahil may kinakasal na tikbalang at tutol ang langit sa kanilang pag-iibigan.
Ayon kay writer-director Irene Emma Villamor, personal choice niya si Nadine dahil ito ay “modern Filipina and really has that depth to understand concepts like this. And brave enough to plunge in to a role of Maya.”
Bukod kay Carlo, makakasama ni Nadine sina Marco Gumabao, AJ Muhlach, Ella Ilano at Perla Bautista.
Boom!
Dyowa ni Andi aprub sa anak
Maglilimang buwan na ang pagbubuntis ni Andi Eigenmann pero may bakas pa rin ng kaseksihan ang kanyang post sa kanyang Instagram account.
Ang caption niya: “In lieu of international women’s day. Here I was a couple months back, 8 weeks pregnant and in my best shape. I look at myself right now a little over 19 weeks into my pregnancy and definitely looking and feeling rounder. One thing has remained the same: my self- worth. It was when I became a mother to Ellie, and even more now that I am a mother of 2 that I have realized the importance of self love and appreciation. It took me a while, but now I am able to define beauty for myself and I feel this way regardless of what shape I am in, and regardless of what others think! What motivates me to keep a mindset like this is the hope that by being the best version of myself, I can inspire my children to grow up to be the best version of theirs, imperfections and all.
Happiness is not something I found, it is something I have created for myself, because its what I deserve. And you deserve it too, girl!😉 I fricking rambled away and did not edit my caption. IM SORRY!😂 anyway, happy #internationalwomensday to all! Remember that you are powerful, beautiful, brilliant and brave!”
Samantala, tanggap ng anak niyang si Ellie ang relasyon nila ng award-winning surfer na si Philmar Alipayo.
Napa-yehey pa nga ito nang biruin siya ni Philmar na sama-sama na silang mag-stay sa Manila. Meron na raw siyang makakalaro at makakasama ang mommy niya ‘pag boring ito.
Tsuk!
LuNay grabe ang pakilig
Pinag-uusapan ngayon ang tambalan nina Jo Berry at Wendell Ramos. Kilala rin itong LuNay loveteam, sa top-rating GMA Telebabad series na “Onanay.”
Kilig na kilig ang mga netizens nang aminin ni Lucas (Wendell) ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Onay (Jo). Pati si Onay, nag-confess na rin ng kanyang pagmamahal kay Lucas ngunit hindi ito sapat upang tanggapin niya ang marriage proposal. Kaya naman napagdesisyunan nitong magpakalayo-layo muna at nag-iwan lamang ng sulat para kay Onay. Magbabago kaya ang isip ni Onay at tatanggapin ang alok na kasal ng lalaking minamahal?
Talbog!