Angel ginamit ng sindikato

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang mga sindikato sa social media. Pinag-iingat niya ang publiko sa gumamit ng kanyang pangalan na walang paalam. Poser daw ang account na ito.

“This is not me. Mag-ingat po,” babala ng aktres.

Hindi malinaw kay Angel kung ano ang motibo ng nagpakilalang Angel Locsin Staffed.

Ang post nito ay “What do you want cash 1500 or relief goods? Maybe you have something important to buy, we will look for 150 person tomorrow and Palawan express to them to give money! Inbox is the answer, please follow our account! Thank you!”

Nag-warning lang si Angel na maging alerto sa panahon ng krisis ng COVID-19.