Angel ginawang ‘Gremlins’ ni Yorme

Viral sa social media ang mensahe ni Manila Mayor Isko Moreno para sa aktres na si Angel Locsin.

Sa mensahe ng alkalde via live coverage, pinasalamatan niya ang mga tumutulong sa lungsod sa pamamagitan ng donasyon kabilang si Angel at fiancé nitong si Neil Arce.

Nag-donate kasi sina Angel at Neil ng mga isolation tent sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center para sa mga persons under investigation at COVID-19 patient.

Ani Mayor Isko, “Si Angel Locsin. Siya po ay isang artista at kilala po ninyo at kilala nating lahat si Angel Locsin and Neil Arce. Nagbigay po sila ng dalawang big tent for Gat Andres Bonifacio Hospital.”

“Maraming salamat sa’yo Angel Locsin at patuloy ka sanang magtagumpay sa iyong karera at mabasa ka sana ng ulan nang dumami ka pa,” dagdag niya.

Tawang-tawa naman ang ilang netizen sa “mabasa ka sana ng ulan nang dumami ka pa” na mensahe ni Yorme sa aktres.

@jremly15: “Yorme! Hahaha akala mo kay Angel, Gremlins?” (IS)