KAHIKAB-HIKAB na ang chika tungkol sa kanyang pixie do. Umay na umay na tayo kung siya pa rin ba o iba na ang Darna. Lalong nakaka-vertigo ang tiktak tungkol sa close friendship nila ni starletita Bubbles Paraiso.

Kaya very, very slight na kiliti ang hatid na paandar ni Angel Locsin.

Andiyan pa naman siya at hindi pa kasali sa League of Extra Ordinary Has Beens.

Exclusively dating na raw siya with a non-showbiz guy.

Sa isang TV pana­yam, inamin ni Locsin na, “Okay naman siya, tumitibok-tibok naman.”

At itsurang she channeled her Inner Sally, tila may request siya na let’s not jinx it, “Kaka-start din naman. Huwag na nating pangunahan. But happy heart naman.”

Pahayag pa ni ­Angel, “‘Pag nag-date naman ako, exclusive naman. ‘Pag nag-focus ako sa isang tao, ‘yun muna and ‘pag ‘di naging okay, ‘di move on.”

Very Filipina ang ­values ni Locsin dahil hindi niya bet na mara­ming ka-date at paiba-iba ang hombre.

Good for you, girl! Panalo iyang hindi ka member of the fun & fierce females na mas makakati pa sa gabi.

Ating ipagdasal na maging ­matagumpay ang dating phase na ito ni ­Angel with this non-showbiz guy para makilala na natin kung sino ito.

Nawa’y ito na ang maari niyang maka-­happily ever after.

***

Ang ibang artista,­ deadma at walang paki­alam sa bashers & ­haters. At tama naman, dapat ganyan ang attitude towards them.

Meron din namang patol kete patol. React kete react.

At hanggang hindi durog na durog ang mga nagpapansin sa kanya, hindi ito titigil.

My favorite ­Manzano, si Luis Manzano is one gentleman na dapat kang kabahan kapag may sinabi kang hindi kainaman.

Ang isang basher na hindi kumikilos ayon sa kanyang ganda, ang ­payanig kay Manzano, “Ulol bakla ka.”

As expected, ­hindi nagpatumpik-tumpik si Luis, ibinunyag niya kung sino ang ­basher ­niyang the WHO no more, na itago natin sa panga­lang JOYCE ­TORRECHIVA.

Manzano posted the screenshot ng Facebook account of the nagmamalditang babaita.

Ang comment niya sa babaing the WHO no more, “Swipe the pic!!! And this is why you ­never take bashers seriously, 99.9% of the time they have Bible quotes, God’s princess, child of God etc etc on their profile… bakit kaya sila ganu’n… what do you think?”

Ang hitad, biglang bawi. Humingi ng kapatawaran sa ginawa niya. “I know ako ang mali. Siguro, lesson ito na binash kita kahit di kita kilala personally.

“Sorry I know my mistake kaya ako tatanggapin ko na lang consequence ng ginawa ko.

“Sir sorry na po ang dami na nila nag-pm. Lesson learned na ako. Galit nag-pm na rin mga friends ko at asawa ko galit sa ‘kin.”

Ni-repost ni Luis ang mensahe sa kanya ng basher at sinabi niya sa comment, “So the lady has apologized. all good with me. Will take down post in a few.”

Some lessons are indeed learned the hard, if not the humiliating way.

Kaya sa mga nagmamagaling diyan, don’t you dare bash Luis Manzano dahil hindi niya kayo titigilan hanggang sa ma-realize ninyo ang inyong pagkakamali.

Huwag kasing umarte as if you are in a higher plane sa mga artista at mga personalidad.

Make sure na ang mga kritisismo ninyo ay valid. Hindi ‘yung makapag-name call ­lamang.

Hindi ‘yung maka­pag-­bully lang.

Ginawa ang ­social networking sites for people to have ­easier to communicate and ­inform. Hindi sila ginawa para i-pollute ­ninyo with your nonsensical ­commentaries.

Inuulit ko, kesa ubusin ninyo ang mga oras ninyo sa bashing and hating, read a book instead.

Improve on your ­vocabulary and grammar. Pumunta kayo sa museum at mag-art ­appreciation.

Watch the ballet. ­Listen to an opera.

Kesa palaparin n’yo ang mga balakang niyo sa kauupo at may ­feeling na high & mighty, kasi, bilib na bilib kayong ­witty kayo… matulog na lang kayo.

2 Responses

  1. GOOD FOR YOU ANGEL LOCSIN,DONT WASTE YOUR TIME WAITING FOR LUIS MANZANO HE IS CERTIFIED GAY…KAWAWA NGA SI JESSY MENDIOLA NAGAGAMIT NA PROPS NI MANZANO BADING TSK TSK TSK