tonite-pak-allan-diones

 

2014 pa ang huling primetime series ni Angel na “The Legal Wife,” pero ang sabi niya sa amin ay sumusuweldo naman daw siya kahit nu’ng mga panahon na wala siyang regular teleserye.

 

 

 “Okey lang po sa akin. Kumbaga, mas favor po sa akin ‘yon. Ha! Ha! Ha! So ngayon, kailangan ko na raw pong mag-work, kasi 5 years na raw po akong sumusuweldo.

 

 

 “Pero I think, ito ‘yung perfect moment na babalik po ako ng teleserye. Kasi, parang nandito po lahat ng dream kong makatrabaho,” bulalas ni Angel sa grand mediacon ng “The General’s Daughter.”

 

 

Aniya, sa storycon pa lang nang makaharap niya ang mga makakasama niyang artista ay tahimik lang siya dahil na-surprise siya nang bongga sa cast na ibinigay sa kanya ng Dreamscape.

 

 

Inisa-isa niyang purihin ang bigating co-stars niya na sina Maricel Soriano, Tirso Cruz III, Eula Valdes at Janice de Belen.

 

 

Bale tatlo ang magi­ging lalaki niya sa “The General’s Daughter” kaya biro ni Angel, med­yo playgirl daw ang karakter niya rito. Bukod kasi kina Paulo Avelino at JC de Vera ay tila may love angle din sila ni Arjo Atayde na autistic ang role dito.

 

 

Naaliw kami nang pagtripan si Angel nina JC at Paulo, na kung tawagin ang aktres ay ‘nag-iisang Angel Locsin’ at tumatayo raw lahat ang mga ito ‘pag dumarating si Angel sa set sa sobrang respeto.

 

Natatawang hirit ni Angel, hindi totoong ganu’n ang mga ito sa kanya. Binabalahura rin daw siya ng co-stars niya sa taping nila ng “TGD.”

 

Sa ending ng presscon ay may pa-standing ovation pa ang cast for Angel, na halatang naiilang sa mga papuri sa kanya ng co-actors niya.

 

Action-Drama Queen ang taguri ng ABS-CBN sa 33-anyos na aktres. Sey ni Angel, nasanay na siya na wala siyang kahit na anong title.

 

 

Ayaw niya raw tawagin siyang queen o kung anuman, pero nagpasa­lamat siya kung ganu’n ang tawag sa kanya. Hindi lang daw talaga siya komportable sa mga title-title.

 

 

Sa darating na Lunes, January 21, ang simu­la ng “The General’s Daughter” sa Kapamilya Primetime Bida pagkatapos ng “Ang Probins­yano.”

 

Martin nasarapan sa eskrimahan ng dila

 

Inamin sa amin ni Martin del Rosario na nasarapan siya sa halikan scenes nila nina Kiko Matos at Akihiro Blanco sa pelikulang “Born Beautiful.”

 

Nu’ng time na ‘yon daw kasi ay in character siya as Barbs, kaya sobrang bigay-todo siya at ang sarap ng halikan niya sa dalawang lea­ding men niya.

 

First time daw ni Martin na makipaghalikan sa kapwa niya lalaki at in fairness ay wala raw nagdalawang-isip sa kanila at game naman sila lahat.

 

Marami siyang kis­sing scenes with Kiko and Akihiro bilang si Kiko ang nobyo niyang tricycle driver na wild at si Akihiro naman ang boyfriend niyang taxi driver na romantic at passionate. Pinagsabay ng beking si Barbs ang dalawa at sarap na sarap ito.

 

Mala-“Glorious” ang laplapan niya sa dalawa na parehong may kasamang dila. Sa uncensored version na ipapalabas bukas sa Cine Adarna sa UP Diliman ay may love scenes siya with Kiko and Akihiro.

 

Nag-training pala si Martin kay Wilma Doesnt kung paano magsuot ng heels at guma­law nang malambot at very girl ang dating.

 

Nagpa-wax din siya ng katawan para makinis. Eh hairy siya, so naiyak siya sa sakit at dumugo raw ‘yung bandang dibdib at kili-kili niya dahil makapal ang buhok niya roon.

 

Plano niya sana na pati private area niya ay ipa-wax, pero nu’ng mala­man niya kung gaano ito kasakit ay nagbago ang isip niya.

 

Ang ganda-ganda ni Martin na girl at ang daming nagsasabing mala-Dawn Zulueta ang beauty niya. In fairness ay nagandahan din daw siya sa sarili niya.

 

Itong role ni Barbs na raw ang pinakamahirap na ginawa ng 25-anyos na Kapuso hunk, pero pinaka-fulfilling.
R-18 with cuts ang rating na ibinigay ng MTRCB sa “Born Beautiful.” May mga pinutol na eksena, may words na binleep at may totally tinanggal na lines. Ganu’n ka-OA ang MTRCB.

 

Mauuna ang movie, tapos ay ipapalabas din ito bilang 12-episode series sa Cignal TV. Mas malala raw ang mga ginawa ni Martin sa series kaya mas kaabang-abang ito.

 

Sa June 23 na ang showing ng “Born Beautiful” in cinemas nationwide.

 

‘Freak show’ nina Barbie, Mika pinagtripan

Freak show’ ang tawag ng ilang netizens sa upcoming Kapuso primetime series na “Kara Mia.”

 

Hindi pa man ito nagsisimulang umere ay pinag-uusapan na ang kakaibang serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz dahil sa pre­mise nito na very komiks ang dating.

 

Magkapatid sina Kara (Barbie) at Mia (Mika) na pinanganak na may Disprosopus o craniofacial duplication, isang congenital defect na meron silang dalawang mukha pero iisa lang ang katawan.

 

Ang daming na-weird-an sa trailer na sa likod ng mukha ni Barbie ay may mukha ni Mika. Kaya ang dami agad nagsulputang memes tungkol sa prog­rama.

 

Maging si Mika ay aminadong nakakaintriga at medyo creepy ang dating ng show, pero unique daw ito at makikita ‘yon ng vie­wers kapag pinanood nila ito.

 

Pinagtitripan ng netizens ang “Kara Mia” pero ‘yung mga ganitong teleserye ang naghi-hit, kaya feeling namin ay kina Barbie at Mika ang huling ha­lakhak.

 

Sina Jak Roberto at Paul Salas ang makakapareha nina Barbie at Mika sa nasabing primetime series na malapit nang magsimula sa GMA.