Angel humirit ng kalayaan sa jeepney driver

NI:ROLDAN CASTRO

Pang-unawa ang sigaw ni Angel Locsin sa Philippine National Police. Nakiusap siya sa kanyang Instagram story na palayain na ang mga tsuper ng jeep na hinuli kamakailan. Nag-rally sila sa Monumento, Caloocan City at humingi ng ayuda sa gobyerno.

Ang anim na jeepney driver ay lumabag umano sa ipinapatupad na bawal magtipun-tipon sa kalye. Ayon pa sa balita, ikukulong daw sila hanggang makapagpiyansa.

“Pls. if you cannot help them, let them go home. They just want food for their families. Maraming gutom.

“Sabihin na nating may natanggap pero hindi natin alam kung enough na ba yun para sa pamilya nila para mapilitan silang lumabas. Konting puso and consideration,” caption ni Angel kalakip ang news item tungkol dito.