
HAVEY: Isang malaking pagtitipon ang naganap noong weekend sa isang kilalang female beauty brand na ang pangunahing endorsers ay sina Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, Jodi Sta. Maria, Jessy Mendiola, Yassi Pressman at ang bago nitong endorser na si Marian Rivera.
Magandang endorsement ito para kay Marian, kasi, isang established brand ito at deserving siyang maihanay sa mga magagandang Pilipinang nakakabit ang pangalan sa produktong ito.
Ngunit on the onset ng National Convention ng brand na ito, nasayangan na ang pamunuan nila dahil nag-beg off daw agad si Angel sa pagpunta ng taunang event kung saan inaasahan ang pagdalo sana ng lahat ng kanilang endorsers.
Ang opisyal na rason ay may prior commitment daw si Angel kahit maaga pa lang ay nagpapa-reserve na ng date ang organizers.
Tuloy, ang tanong ng mga nandoon sa event, sino kaya ang iniwasan ni Angel sa event — a. si Marian, b. si Jessy, or c. both?

Kung meron talagang commitment si Angel noong araw na ‘yun, wala nang magagawa ang management ng produkto.
Ang nanatiling tanong lang ng mga nandu’ng mga dealers — bakit daw hindi rin puwedeng magsama-sama sina Angel & Marian, at Angel & Jessy sa lay out ng kanilang brochure?
Medyo kumplikado pala kapag mga sikat talaga ang mga ka-deal mo, diba?
***
WALEY: Kung hindi maaagapan ng kanilang home networks ay baka mag-exchange deal at maglipatan ang dalawang artists from major networks.
Pareho silang magaling na aktor na medyo napabayaan ng networks nila na iba na ang mga paborito.
Tingnan natin kung ano ang kanilang magiging susunod na hakbang sa kanilang career at kung paano nila iha-handle ang kanilang pagkadismaya.
The best thing is hindi sana sila magmukhang ingrato, instead, they should be exhausting all their options and chances for stardom kung meron pa.
Clue: ‘yung isa sa kanila ay lumaki, samantalang ‘yung isa ay mukhang lumiit.
Sayang.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.
KAYO NAMAN NAG JOKE LANG SI KOYA EH…..LAHAT NAMAN SILA MAGAGANDA AT SEXY…..HEHEHE
Halata na ang katandaan ni Angel. Hindi na siya mukhang sariwa. Bilasang-bilasa na ang dating niya kahit saang anggulo. Unlike Marian na kahit nanganak na ay maganda at fresh pa rin. Syempre, walang siyang ilalaban kay Jessy na kahit saang tingnan, mukha niyang tsimay si Angel.
BAK LA KA BA
Nung 2005 pa raw ginawa ni Laylay suso Angel ang Darna at tapos noon si Marian naman na sobrang bagay sa Darna, Nakuhindi na bagay kay Angel maging Darna parang ang peg noon ay LADY DARNA na,
Sakit mo naman magcomment Kuyateh!
GWAPO siguro si “KOYA”