Angel keber sa KC-Sharon iringan

Puring-puri ni Megastar Sharon Cuneta ang aktres na si Angel Locsin. Kamakailan ay nag-throwback siya ng larawan nila ni Angel sa Instagram. Napaka-heart touching ng mensahe niya para sa aktres na kahit nasaan man siya sa loob ng ABS-CBN ay pupuntahan siya para batiin.

Ang dating naman ng post ni Megastar ay hindi nagustuhan ng ilang netizen. Tila ito na umano ang paraan ng pagbato ni Sharon sa anak niya na si KC Concepcion.

Tila nadawit tuloy si Angel sa hidwaan ng mag-ina, lalo na at nagkomento rin ito sa post ng Megastar. Hindi na rin kasi naiwasan ni Angel na alalahanin ang fangirling moments niya kay Sharon. Keber din niya kung ano ang isyu kina Sharon at KC.

Aniya, “Naalala ko po nag-aabang po ako sa labas ng Eat Bulaga para lang po makita kayo! Pero binaba nyo po yung bintana ng kotse nyo para mag ‘hi!’, tapos namatay na po ako sa kilig. Thank you so much po for being a wonderful example para po sa amin sa industry.” (Rona Ronda)