Angel kinilalang bayani ng Forbes mag

Sa gitna ng bagyong “Tisoy” kahapon ay pampa-good vibes ‘yung big news na kasama si Angel Locsin sa taunang listahan ng ‘Heroes of Philanthropy’ ng Forbes magazine.

Ayon sa nasabing artikulo, the list “honors billionaires, entrepreneurs, and celebrities across the region who are committed to solving some of the most pressing issues facing the Asia-Pacific.”

Nakasama sa listahan ang aktres dahil sa mahigit P1M na donasyon niya sa mga naapektuhan ng lindol kamakailan lang sa Mindanao, na personal niyang siniguro na matatanggap ng survivors ang mga ipinadala niyang relief goods.

Nabanggit din ang ginawang pagtulong ng Kapamilya actress nu’ng magkaroon ng digmaan sa Marawi nu’ng 2017.

Ayon pa sa report ng Forbes, sa nakaraang dekada ay aabot ng P15M ang nai-donate ni Angel “to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children”.

Inisa-isa rin ang mga pagtulong ng 34-anyos sa mga panahon ng kalamidad tulad ng malalakas na bagyo na maraming pamilya ang naapektuhan.

Dalawa lang silang Pinoy sa prestihiyosong listahan. Ang isa pa ay si Mr. Henry Sy ng SM Prime, na ang pinakamalaking donasyon ay sa Child Haus na tumutulong sa mga batang may kanser.

Mabilis na naging-trending topic si Angel kahapon sa Twitter Philippines, pati na ang Darna bilang real-life superhero raw talaga ang aktres, na hindi raw kailangan ng superhero costume para makatulong sa mga nangangailangan.

Lahat ay natuwa for Angel dahil alam naman ng lahat ang ibang level ng pagtulong na ginagawa niya sa tuwing may mga disaster at kalamidad sa bansa, na kadalasan ay daig pa niya ang mga politiko sa sinserong charitable works na ginagawa niya.

Habang pinupuri siya ng kanyang mga kababayan ay nasa Japan si Angel at nagbabakasyon doon kasama ng mga kaibigan.

Triple date sila dahil kasama ni Angel ang fiancé niyang si Neil Arce, tapos ay kasama rin si Paolo Paraiso with girlfriend Jessica Sto. Domingo at si Ehra Madrigal with husband Tom Yeung.

Panay ang pasyal at food trip nila roon at kahapon ay para silang mga batang nagliwaliw sa Tokyo Disney Sea.

Last week ay um-attend sina Angel at Neil ng wedding ni Vhong Navarro sa Kyoto. Next year ay silang dalawa naman ang ikakasal.

‘Tisoy’ galit sa pagpapasarap nina Maine-Arjo sa California

Habang binabayo ng bagyong “Tisoy” ang Kabikulan at iba pang panig ng Luzon kahapon ay sarap na sarap ang magdyowang Maine Mendoza at Arjo Atayde sa kanilang pagliliwaliw sa California.

Kaya ang hirit ng ilang netizens, kaya raw galit na galit si Tisoy ay dahil magkasamang nagpapasarap ang ArMaine sa Amerika! Ha! Ha!

Siyempre pa, ang Tisoy ay tawag kay Alden Richards.

Kaya may meme din ang “The Gift” star na ang nakasulat ay “Ingat kay Typhoon Tisoy. Stay Sep!” na galing sa karakter ni Alden na si Sep Apostol.

Mahilig mag-theme park ang magsyota, kaya kahapon ay rumampa sila sa Disney California Adventure Park.

The day before ay nakita ang ArMaine na nagsimba sa isang church sa Cali, tapos ay spotted din sila sa Universal Studios sa Hollywood, na ka-join din ang dalawang bradir ni Maine na sina Nico at Dean.

Sa IG Story ni Arjo ay may short vid siya na parang holding hands while walking sila ni Menggay.

Ang bongga ng ArMaine dahil kahit bisi-bisihan sila ay nagagawa talaga nilang magbiyahe na magkasama.

At eto, hindi lang maiksing biyahe kundi long haul. Nagawa nilang lumipad pa-Amerika para lang makapiling ang isa’t isa.

Iba ren! PAKK!!