Dahil nga go for gold ang views sa ‘Glorious’, ang made for TV film na pinagbibidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca, asserted ang pagiging hot momma ni Aquino. Si Labrusca naman eh ang stud muffin of the moment. With the trailer’s mammoth views, we can safely predict ba come streaming time sa 17th of November, palong-palo ang mga manood nito.
Ang tanong at thought ballon na naglalaro sa diva that you love, ano ang magandang follow up project and pwedeng isunod dito? JOYFUL perhaps? Light comedy drama na parang Baby Love dati ni direk Peque Gallaga?
Ang twist lang sa Joyful, super pink themed na parang yung mga gay teen high school dramas na immensely popular sa Thailand at Japan. Isang namukadkad pa lang na beki at isang teen age boy ang magmamahalan against all odds at ang mga kontrabida sa buhay nila ay ang kanilang mga parental at teacher. Ang kanilang mga friends, super supportive
sa you and me against the world relasyon nila. Very My Bromance ang emote, huh!
Sino ngayong relatively young or totoong nubile youth na pwedeng gumanap sa Joyful? Sino kaya sa mga young Kapamilya stars are pwedeng maging pink pair? Pwede kaya sina Nash Aguas at CJ Navato na mga bida sa Class of 2018 na palabas sa kasalukuyan? Pasok kaya sa banga kung si McCoy de Leon at si Nikko Natividad o masyadong na silang gasgas? Itodo na natin para magkabati na sila at matapos na ang gusot, bongga ba kung sina Darren Espanto at JK Labajo ang magiging bida sa Joyful para naman mapatunayan nila ang kanilang versatility as actors at dedication sa kanilang craft at professionalism?
Bongga rin kung gagawin ang SORROWFUL. Ito naman ang drama, very Broken Marriage ni Ishmael Bernal ang inspiration.
O kaya ‘yung mga relasyong maliligalig ala-Fatal Attraction o mala-Notes of A Scandal nina Cate Blanchett at Dame Judi Dench.
Mga katauhang confused, somewhat deranged at emotional vampires ang center of the universe sa Sorrowful. Juice colored, ang daming mahuhusay sa Star Magic Kingdom na pwedeng maging bida rito. Pwedeng sina Ariel Rivera at Regine Velasquez kung hawig sa Broken Marriage.
Kung Fatal Attraction, pasok sa banga sina Jericho Rosales, Angelica Panganiban at Maja Salvador.
Pag Notes of A Scandal, bagay maging Blanchett si Iza Calzado, si Rio Locsin ang Dench at ang estudyanteng kalaguyo ni Calzado, si Khalil Ramos.
Siyempre hindi makukumpleto ang I Dreamed the Dream digital series kung wala ang LUMINOUS. Ito naman tipong inspirational films, ‘yung parang very Dead Poets Society, Awakening at Forrest Gump.
Ngayong may iWanTV platform na, the possibilities are endless para sa mga konsepto at temang out of the box na hindi lang for local consumption, pwede ring ibenta for international release.
Change has come indeed para sa mga television viewers. Ang saya-saya at super exciting indeed.
***
May-December affair: ‘Hindi naman lahat pera na agad’ — Ai Ai
Dahil nga every seems to be hooked sa ipapalabas na Glorious, naisusulat tuloy ang mga buhay na patotoo na may mga cougar and cub relationship na talaga naming nagiging matagumpay.
One fine example ay ang pagmamahalan nina Ai-Ai delas Alas at Gerald Sibayan. Ayon sa isang panayam, relate much ang nag-iisang Comedy Queen sa pelikula.
Paglalahad ni Delas Alas sa panayam, dapat noon pa raw nagawa ang pelikula nina Angel at Tony. “Dapat noon pa may movie na ganyan. Dati ko pa ‘yan gustong gawin.”
Pag-amin pa ni Ms. Ai na walang halong pag-iimbot at buong katapatan, “Meron na hindi lang pera-pera. Hindi naman lahat, pag may edad ‘yung lalaki o babae, pera na agad. Puwede namang nagmamahalan din, ‘di ba?”
Oo nga naman, ang dahilan kaya maraming aroused ang curiosity sa Glorious ay dahil totoong nangyayari ang mga May-December affairs. Some work, dahil they are committed to make it work, gaya nina Ai-Ai at Gerald. ‘Yung iba naman hindi, kasi nga it was not meant to be. Marami kasing mapanghusga and minsan nakaka-apekto siya sa kahit na anong relasyon. Age is indeed just a number, ang importante talaga ang puso at pag-iisip na ilalaban ang pagmamahalan.