tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMay katotoha­nan nga kaya ang chika na ang The General’s Daughter ang ipapalit sa The Blood Sisters? Finally, makakapag­hinga na si Erich Gonzales, huh!

Hindi madaling magbigay buhay sa tatlong katauhan. Parang nakakaloka ang ganyang pagganap.

Bagama’t ang Blood Sisters eh hindi nakamit ang Maja Salvador led Wild Flower success, marami pa rin naman ang tumutok sa show ni Erich.

Kung totoo nga ang chikang ito, masasabi bang upgrade o downgrade ito para sa programang ang lead bida ay si Angel Locsin, at kasama pa sina Janice de Belen, Ryza Cenon, the Eula Valdes and the Diamond Star, Maricel Soriano?

Ang ibig rin bang sabihin nito na totoo rin ang chika na ang FPJ’s Ang Probinsiyano, tuloy nga ang extension hanggang sa susunod na taon?

Marami ang nag-akala na ang bagong drama ni Locsin ang hahalili sa show ni Coco Martin, hindi pala ganun ang mangyayari?
***

Alden panalo ang pagyakap sa baywang ni Janine

Pinakatutukan ko talaga ang pilot episode ng Victor Magtanggol. Ang diva that you love, ang kuro-kuro sa una nitong pag-arangkada, ito ay kapana-panabik, mabilis na mabilis ang mga pangyayari at may haplos sa puso ang ilang mga eksena.

Ang pinagmulan ng kuwento, mainam na nailahad. Medyo nakakapagod nga lang ang giyerang bongga-bongga ng mga Norse gods dahil parang tinodo na nilang lahat ang mga mythical at magical elements sa sagupaan.

Nung ito ay nasa mundo na ni Victor, umaatikabong habulan agad. Nakakatuwang pagmasdang nakiki­paghabulan at nakiki­pagpambuno ang Pambansang Bae.

Mas lalo siyang na­ging masarap pagmasadan dahil nga kahit pawisan na ito, guapong-guapo pa rin.

Sa kanyang mga action sequence, kitang choreographed pa ang mga ito at kulang pa sa action star vibe ang binatang may biloy. Wala namang duda na habang tumatagal ang Magtanggol, mas magiging astigin si Alden sa mga fight scene. Kahit kasi nakikipagsuntukan na siya, ang amo-amo pa rin niya.

Pero sa drama at quiet moment niya bilang Victor, lalo na ‘yung kausap niya ang kanyang pamilya sa video phone, ang lungkot na mababanaag sa kanyang mga mata sa tuwing hindi siya nagtatagum­pay sa paghahanap sa kanyang nanay, damang-dama mo talaga.

Mas damang-dama na bagay nga sila ni Janine Gutierrez na may grand slow motion entrance at panalo ang pagyakap ni Victor sa baywang ni Gwen (character ni Janine), huh! Ang bae nating lahat, iba ang mga pangmalakasang the moves, huh!

Off to a good start ang Victor Magtanggol para sa diva that you love.

Ang aking lambing sa artistic, creative, writing, production at technical mapanatili at maalalayan ang kuwento nito. Hindi lang dapat pilot week ang pinaghandaan. Dapat, habang umuusad ang telefantasya, mas maigting at mas kapana-panabik pa ang mga kuwento at kaganapan.

Mabuhay ka, mahusay ka, Alden Richards. Palakpakan na may kasamang sigawan sa lahat ng mga kasali sa Victor Magtanggol.
***

Vina, Phoebe, Rita, Barbie ‘di maunawaan ang hitsura sa umaga

Sa isang afternoon soap, na itatago ko sa titulong Araw, Gabi, hindi ko maunawaan kung bakit kahit breakfast scene, in full make up ang mga bidang babae.

Si Vina Morales kulot na kulot pa at in full stage make up. Si Phoebe Walker, unat na unat naman at bagong plantsa ang hair. Anak pala siya ni Morales so drama, akala ko, amiga. Hahaha!

Anong oras kaya sila nagpa-parlor para ganun sila kabongga sa agahan? Bawal bang matulog ang mga bekibels sa kung nasaan man sila?

At ano ang nangyayari kay Vina? Akting na akting ang hitad lalo na noong dinala na siya sa kulungan. At saan ka naman nakikita na may mayamang pamilya na hindi muna tinawagan ang kanilang abogado?
Isa pa ring in full make up during breakfast si Rita Avila, huh!

Eh kamusta naman ang pink kung pink blush on ni Barbie Imperial sa kanyang pisngi at ang ayos na ayos niyang buhok? Pag bagong gi­sing ba, dapat prinsesa agad-agad ang itsura?

Speaking of itsura, ano ang nangyari kay Raymond Bagatsing? Parang kulang siya sa moisturizer, hindi pleasant to look at ang kanyang mukha. Parang pumayat na ewan. Hindi ganyan ang itsura niya sa huli niyang panhapong drama.

Buti pa si JM Guzman, parang polbo lang ang nasa mukha. Hindi na ako magtataka kung marami na naman ang nagmahahal sa binata. Super telegenic ito. Maamo at fresh tignan. Ang guapo! Marami tiyak ang gustong magpaanak kay JM, huh!
***