Magiliw sa mga fan ang bida ng “The General’s Daughter” na si Angel Locsin.

Humingi siya ng paumanhin sa isang tagahanga na hindi napagbigyan na magpa-picture sa kanya.

Mababasa sa comment sa isang Instagram post ni Angel.

@therealangelsmithrios, “Di man lang ako pinagbigyan makapagpapic saiyo kagabi sa backstage ng make up artist mong si @mikebawa na puro mamaya ng mamaya tsaka si @patriciaco. mga paasa yang dalawang yan sinabi nlng sana na di pwede para di na ako umasa pa! ending NGANGA tuloy inabot ko @therealangellocsin nung first time ko makita ka sa Starmall Alabang, 7yrs ago mall tour niyo noon ni JL, nakamayan lng kita sobrang sad ako noon wala man lng tayong pic tas kagabi di ulit nakapagpapic saiyo! Linolook forward ko pa sana kase finally after 7yrs makikita ulit kita! ang malas tlga hinabol ko pa kayo sa backstage mga 30minutes ako naghintay pero nakalabas na daw kayo! sobrang nalungkot ako!”

Buong ningning namang nagpa­kumbaba ang aktres sa kanyang reply, “@therealangelsmithrios hi! Sorry to hear that :( I hope magawa natin ito next time :) may program rin kasi na sinusunod, plus the organizers rin, kaya hindi rin basta pwedeng lumabas or mag decide sila magisa.. pero pasensya na talaga :) I know maiintindihan mo naman yun :) sayang hindi ka nagpunta sa harap para makapagpapic tayo :) Salamat sa pagpunta :) Hope to see you tom :)”