PINURI ni Neil Arce sa Instagram ang performance ni Angel Locsin sa MMK kamakalawa nang gabi.

Ani Neil, “Parang hindi nagpahinga galing @therealangellocsin”

Magaling naman talaga si Angel sa episode na iyun kung saan ginampanan ng Kapamilya actress ang role ng isang Muslim na nakulong dahil napagbintangan ng kasong kidnapping.

Nadamay pa ang kanyang kapatid na matagal na niyang hindi nakikita.

Mukhang pinag-aralan ni Angel ang role na pati ang punto ng pagta-Tagalog ng isang Muslim ay kuha niya.

Napapanahon ang episode na ito ng MMK gawa ng pinagdaanan ngayon sa Mindanao.

Kahapon ay ipinost ni Angel sa Instagram na nagpapasalamat siya sa lahat nanood ng naturang episode.

Inalay niya ito sa mga kababayan natin sa Mindanao lalo na sa Marawi.

Sabi ng Kapamilya actress sa Instagram, “Maraming salamat po mga Kapamilya. I send my sincere well-wishes & prayers to our kababayans in Marawi City #PrayforMarawiCity #Peace”.