Marami na talaga ang excited sa comeback movie ng tandem nina Richard Gutierrez at Angel Locsin with Angelica Panganiban under Star Cinema.
Sabi ng isang taga-Star Cinema na nakatsikahan namin, ngayon pa lang ay marami na ang nag-uusisa sa kanila tungkol sa pelikula, pero hindi pa puwedeng i-reveal ang istorya nito.
Ngayong Hunyo magsisimula ang shooting at sa Hunyo 5 sila magkakaroon ng look-test.
May ibang nagsasabi na medyo malaki pa si Angel nang mag-story conference sila, pero sabi pa ng kausap namin, walang magiging problema sa bagay na ‘yon dahil malaki-laki na ang ipinayat ni Angel.
Eh noong Mayo 9 pa kasi nagkaroon ng announcement ang Star Cinema tungkol sa pelikulang ‘yon nang magkaroon sila ng story conference and after that, nakapagbawas na ng timbang si Angel.
Seryoso raw si Angel sa pagpapapayat at pinaghahandaang mabuti ang pagsisimula ng reunion movie nila ni Richard.
***
HINDI namin alam kung mapapasimangot o matatawa kami sa tsikang kaya ipinagpaliban ng GMA 7 ang pagpapalabas ng Impostora ay dahil sa sobrang kapayatan ng bida nilang si Kris Bernal.
Hindi na bago ang issue tungkol sa sobrang kapayatan ni Kris.
Kahit noong nagsisimula pa lang siya at sila pa ni Aljur Abrenica ang magka-loveteam, issue na ‘yan sa kanya.
Minsan, iisipin mo na lang kung wala na bang bago na puwedeng gawing issue kay Kris dahil paulit-ulit na lang ang tungkol sa sobrang kapayatan niya.
Anyway, ang alam namin, ang pagkaka-extend ng Ika-6 Na Utos ang dahilan kaya na-delay ang pagsisimula ng Impostora.
Sa Hunyo 19 ang target pilot ng Impostora.
***

Ka-text namin kahapon si Sarah Lahbati.
Wala kaming kaalam-alam na nasa Hong Kong pala siya.
Kung hindi pa nagtanong sa amin si Sarah kung ano ang gusto naming pasalubong mula sa Hong Kong, hindi pa namin malalaman na nandoon siya.
Kahapon ng umaga umalis pa-Hong Kong si Sarah at nang ka-text namin siya ay nagsa-shopping siya para kay Richard Gutierrez, kaya gusto na rin niya na ibili kami ng birthday gift.
Sa text sa amin ni Sarah, ni-remind niya kami na sa Hunyo 13 na ang premiere night ng pelikula niyang Ang Pagsanib Kay Leah Cruz na prodyus ni Direk Erik Matti at idinerehe ni Katski Flores.
Sabi pa ni Sarah, “I play a detective here. I’m so proud of this movie because we (cast, director and editors, plis sina Direk Erik) all put so much effort for it to be a good movie.”
Eh ano naman kung nasa Hong Kong si Sarah? Lalin, bakit di ka sumunod dun at huwag ka nang bumalik!