Angel nakakolekta ng P10M

NI: RONA RONDA

Nakalikom ng halos 10 milyong piso ang aktres na si Angel Locsin. Inanunsyo niya sa Instagram ang magandang resulta ng kanyang fundraising project.

Binuo niya ang #UniTentWeStandPH nitong March 25 para matulungan ang overcrowding situation sa mga ospital. Layunin nito na makapagbigay ng specialized tents sa mga pasyente na may COVID-19.

Aniya, “Binuo po ang #UniTentWeStandPH para po makatulong kahit papaano sa overcrowding situation ng ating mga ospital, sa mga pasyente na hindi na po nagagamot, sa mga health workers na hindi nabibigyan ng tamang proteksyon, sa mga pasyente na nahahalo sa ibang cases. Iyon po ang dahilan kung bakit tayo nandito.”

Umabot na sa P10,956,702.98 ang nalikon niyang donasyon at ibinahagi niya breakdown ng ginastos niya sa mga 12×24-meter na tents.

Nasa likod din ng tagumpay ng fundraising sina Neil Arce, Dimples Romana, Marev Matic, at Gines Sarangaya.