tonite-pak-allan-dionesCute ‘yung kuwento ni Angel Locsin na nahirapan siyang sabayan ang pagi­ging professional ni Maricel Soriano, na katrabaho niya for the first time sa kanyang pagbabalik-primetime sa ABS-CBN via “The General’s Daughter.”

Sey ni Angel, sobra siyang kinabahan na sa first taping day, ang makakaeksena niya ay ang ­Diamond Star.

Takot na takot daw siya, kasi feeling niya ay hindi pa siya ganu’n ka-ready sa karakter niya bilang unang araw pa nga lang at nangangapa pa siya.

At ang nakakalerky pa kay Marya, 7:00 AM ang calltime nila, pero 4:00 AM pa lang ay nangangatok na ito ng mga kuwarto nila.

Ganu’n daw ito ka-professional, na nasa set na ito agad kaya sunblock na lang daw ang nalalagay ni Angel sa mukha niya, wala nang makeup dahil naghihintay na ang Maricel at ready na lahat.

The next day ay tumatakbo raw siya habang sinusuot ang palda niya dahil nandu’n na agad si Marya sa ­puwesto nito at ready na for take.

Kaya nu’ng third day ay kinausap na raw ito ni Angel na kung puwede ay huwag itong masyadong professional dahil nahihirapan na siya.

Papuri pa ni Angel sa batikang ­aktres, very generous ito at hindi maramot mag-share ng mga experience sa buhay at mga technique.

Tapos, ‘pag umarte raw ito ay nangungusap ang mga mata. At iba raw ang pakiramdam ‘pag nakita mong ginagawa ito sa harap mo.

Nakakakilabot, sabi ni Angel, dahil ang husay-husay ng Diamond Star. Hindi raw ito name­meke ng eksena, galing sa puso palagi.

Nakaka-pressure daw itong sabayan, kasi ang perfect. So, ang Angel, nandu’n na lang daw siya sa basta makasabay lang siya at hindi magkamali dahil take one actress ang Maricel.

In all fairness, very nice daw si Inay Marya at ‘yung mga nariri­nig niyang mataray ito, feeling niya ay gusto lang nitong image para huwag itong kulitin ng mga tao. Very sweet daw ito at parang little girl.

Si Ms. Mary ay masayang-masaya rin na parte siya ng “The General’s Daughter” at nakasama niya si Angel na noon pa niya gustong maka­trabaho.

Ang role ni Marya ay nanay ni Arjo Atayde, na autistic ang role. Puring-puri niya si Arjo at sobra raw siyang tinatablan ‘pag umaarte na ito.

Diyosa ang tawag ng karakter ni Arjo na si ­Elijah sa female soldier character ni Angel na si 2nd Lt. Rhian Bonifacio.

Bukas na, January 21, ang simula ng “The General’s Daughter” sa Kapamilya Primetime Bida kapalit ng nagwakas na “Ngayon at ­Kailanman.”