After Maxene Magalona and Bela Padilla, todo na si Neil Arce at si Angel Locsin na ang bagong kasama palagi.
Sana lang, hindi matulad ang relasyon nila sa mga naunang girls ni Neil na sana ay hindi na takaw-gulo ngayon.
Mukhang masaya at kalma naman sila ni Angel.
***
NUMBER 1 pa rin sa takilya ng North America last weekend ang The Fate of the Furious aka Fast & Furious 8.
Tinatayang naka-$38.7M ito last weekend, kaya more or less eh $163.6M na ang domestic gross nito.
Sa international market eh tinatayang $744.8M na ang hinamig nito, kaya humigit-kumulang sa $908.4M na ang worldwide gross nito.
Lalampas sa $1B ang worldwide gross later this week, lalo pa’t sa Biyernes eh ipapalabas na ito sa Japan.
***
Haharap ang cast ng BLISS sa press ngayon pagkatapos ipapanood ang UNCUT version ng pelikula sa kanila.
Sana, maka-attend sina Ian Veneracion at TJ Trinidad para puwedeng matanong kung bakit hindi natuloy ang pagiging mag-love triangle with Iza Calzado sa A Love To Last at bigla na lang umalis si TJ para mag-GMA soap na lang.
Bakit nga kaya?
***
Nabuking ang gimik ni Georgia (Ryza Cenon) sa Kapuso afternoon series na Ika-6 Na Utos.
Hindi natuloy ang kasal nila ni Rome (Gabby Concepcion).
Kaya ang wish ng bagets na si Austin, pakasalan uli ng amang si Rome ang inang si Emma (Sunshine Dizon).
Ang nakakalukring… mukhang buntis si Emma, huh?!
***
Agaw-eksena ang role ni Shalala bilang Asya sa Pusong Ligaw na nag-premiere kahapon.
With this teleserye, kumpleto na ang ikot ni Shalala sa mga network na nagsimula sa GMA 7 then TV5, saka ngayong nasa ABS-CBN 2.
“Kulang pa ‘yan! Puwede naman ako sa Lifestyle, National Geographic, Arirang at Aquarium Channel, ha!” sabi ng ating mahal na si Shalala.
***
Kahapon ang unang araw ng taping ng bagong season ng Bet On Your Baby ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN.
Kagagaling lang nilang pamilya sa US pero balitang sila namang mag-asawa ay magha-hohoneymoon ulit pagdating ng kanilang 8th wedding anniversary.
Plano ba nilang sundan ulit si Luna? Hmmmmmmm…
***
Moved ang CineFilipino from November 2017 to March 2018 na.
Makakasabay kasi nila ang Cinema One Originals sa November at may MMFF pa sa December.
This will give more time para ayusin ang mga pelikulang lahok.