Angel at Neil naglambingan sa Japan

Tuluy-tuloy ang tamis ng relasyon nina Angel Locsin at Neil Arce.

Nakabalandra sa Instagram wall ni Angel ang pagsasama nila ni Neil sa bakasyon nila sa Japan, kung saan sila naglalambingang magsyota.

Dalawang magkakasunod na photos ang pinoste ni Angel sa IG wall nya na kuha sa pamamasyal nila sa Kyoto.

Nakaposte naman sa IG wall ni Neil ang selfie photo nila ni Angel sa isang resto na may divider.

Mababakas sa mukha ni Angel ang kasiyahan sa pagkakaroon niya nang lovelife kay Neil .

Base na rin sa mga comments ng mga fans at followings ng aktres, umaasa at nanalangin sila na maging matagumpay na sa pagkakataong ito sa kanyang buhay-pag ibig .

Jake mukhang matanda na

Kung ibabase sa kanyang posting ng mga larawan ni Jake Cuenca sa Twitter, mukhang sumobra na ang pagpapayat ng Kapamilya actor.

Kamakailan lang nag-post siya ng dalawang larawan mula sa @ijakeofficial.

Sa isa nyang photo, makikita si Jake na nasa harap ng kanyang bike at hawak-hawak ang hinubad niyang top shirt na ginamit sa karera. Naka-helmet pa ang aktor.

Malinaw na makikita sa larawan ang physique ng aktor na malayo sa muscled-body niya nu’ng mga nakaraang taon.

Sa larawan, parang matanda ang pangangatawan ni Jake. Mapapansin ito sa payat niyang braso. Halos balat na lang ang nakadikit sa kanyang buto.

Bagamat, may anim na abs pa naman ang aktor, bagsak ang kanyang dibdib .

Dahil nakayuko ang posisyon niya, posibleng ito ang dahilan kung bakit hindi magandang tingnan ang porma ng katawan niya.

Malaki talaga ang binaba ng timbang ni Jake base sa photo.

Nevertheless, ito yata ang gustong body-form ngayon ng aktor para ma-maintain nito ang kanyang abs.

Sana lang magdagdag ng konting taba ang aktor lalo’t nagkaka-edad na rin siya.

Boobs ni Louise parang ulam

Minsan pang pinatunayan ni Louise De Los Reyes na pagdating sa kaseksihan ay talagang katakam-takam siya sa paningin ng mga kalalakihan at tomboy.

Nag-post si Louise ng kanyang photo sa kanyang Instagram wall ng half body shot habang nakaupo sa likod ng isang puno.

Ang caption niya ay “Dumating na ako sa point ng buhay ko na tinatamad na akong mag-filter ng photos ko”
Hindi naka-bathing suit o naka-two piece si Louise pero naka-suot naman sya nang polka dot bikini bra.

Lumuluwa sa kabusugan ang boobs ni Louise sa kanyang suot. Bilog na bilog ito na parang isang masabaw na melon.

At kahit walang abs ang aktres, sapat na ang bilugan n’yang mga bundok para masabing “dibdib pa lang nito, parang ulam na”.