NI: VINIA VIVAR

Parehong COVID-19 free ang engaged couple na sina Angel Locsin at Neil Arce. Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram Story ang result ng kanilang rapid test kits at pareho itong negative.

As we all know ay frontliners din sina Angel and Neil dahil halos araw-araw ay wala silang tigil sa pagtulong at kung saan-saan sila nakakarating na lugar. Marami nga ang nagwo-worry na baka sila naman ang tamaan ng virus since talagang nagpupunta rin sila sa mga hospital at nakakasalamuha ang mga positibong pasyente.

May mga ilang netizen naman na inintriga pa ang pagpapa-test nina Neil and Angel .Kinukuwestiyon kung may symptoms ba sila para magkaroon ng pribilehiyo na magpa-test.

Ipinagtanggol naman sila ng ibang mga netizen at sinabing frontliners nga sila kaya kailangan din nilang magpa-check to make sure na safe sila.

Sagot naman ng isa pang netizen, “ngkasymptoms ata sila kasi out and about sila dahil sa mga tents nila tapos bigla silang ngquarantine,napansin ko lang sa instagram nila.”