“THE cat is out of the bag!”
Maganda yata ang kasabihan o idiom na ‘yan kina Angel Locsin at Neil Arce.
Noon kasi, kapag tinatawagan namin ang businessman/producer na ex-boyfriend nina Maxene Magalona at Bela Padilla para usisain sa kuwentong sila na ni Angel, ayaw magsalita ni Neil.
Ang madalas sabihin ni Neil sa amin, tanungin na namin siya ng kahit na ano, huwag lang ‘yung mga ganoong bagay.
Eh, alam namin na matagal-tagal na ang relasyon nina Angel at Neil, pero hindi open ang huli tungkol doon at madalas kaming sabihan na, “Jun naman, magkaibigan tayo!”
Hmph!
Anyway, noong birthday celebration ni Angel, buking na buking na sila ni Neil, kaya wala nang dapat ipaliwanag pa ang co-producer ng pelikulang Luck At First Sight (kung saan bida ang ex niyang si Bela at si Jericho Rosales).
Tinawagan namin uli si Neil at sumagot naman siya.
“Ano’ng balita?!” tanong kaagad sa amin ni Neil.
“Ang balita, pinag-uusapan kayong dalawa ni Angel!” sagot namin.
“Jun, nasa meeting ako, tawagan na lang tayo!” ang umiiwas pa ring sagot ni Neil.
Ang common friends nina Angel at Neil ay madalas na sabihing happy sila para sa dalawa dahil bagay ang mga ito sa isa’t isa.
Sobrang happy raw sina Angel at Neil sa kanilang relasyon, na hindi nila idine-deny kapag magkakasama sila ng kanilang mga kaibigan.
Noon pa ay may nagtsika na sa amin na sobrang sweet sa isa’t isa sina Angel at Neil kapag magkasama.
***
Hindi kasama sa pelikulang Our Mighty Yaya ang boyfriend niyang si Mikael Daez, ang binata pa rin ang inusisa ng entertainment press kay Megan Young sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan ni Ai Ai de las Alas under Regal Entertainment.
Kapag si Mikael ang topic, nagtu-twinkle-twinkle ang mga mata ni Megan.
Hindi ikinakaila ni Megan na sobrang mahal niya si Mikael at hindi nakakapagtaka ‘yon dahil anim na taon na ang kanilang relasyon.
At ‘yung tungkol sa kasal, hindi ikinakaila ni Megan na napag-uusapan nila ni Mikael.
Oo nga pala, dahil sa Our Mighty Yaya movie nila, aminado si Megan na lalo siyang naging malapit kay Ai Ai.
Maraming mga magagandang bagay na napag-uusapan sina Megan at Ai Ai sa shooting and with the comedienne around, wala raw dull moment sa shooting nila.
Sa Mayo 10 na ang showing ng Our Mighty Yaya.
***
May reaksyon ang isang taga-GMA Corporate Communications tungkol sa reklamo ng VanBie fans dahil sa tsika na paghihiwalayin na sina Ivan Dorschner at Barbie Forteza.
Sey ng kausap namin, wala siyang ganoong nababalitaan na plano ng mga taga-GMA 7.
Aware daw ang mga taga-Kapuso network na maraming fans ang VanBie loveteam, kaya alangan daw na alisin si Ivan sa Meant To Be at ipareha sa ibang young actress ng Siyete.