Angel nirereto si Bea kay John Lloyd

NI: RONA RONDA

Patuloy ang panunukso sa dating loveteam na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. Maging ang aktres na si Angel Locsin ay nakisakay na rin sa pagrereto sa dalawa.

Nitong Lunes ay nag-post si Bea ng appreciation video para kay Angel dahil sa naging malaking ambag nito sa COVID-19 crisis.

“So proud of this selfless person. Idol kita,” saad ng caption ni Bea.

May laman at makahulugan naman ang naging komento ni Angel sa nasabing post.

Aniya, “Mas idol kita. One more chance na, may second chance pa.”

Kinilig naman ang mga netizen dahil tila pagtukoy ito sa pelikula nina Bea at JLC. Nitong nakaraan kasi ay naging tampulam ng tukso ang dating loveteam, matapos magkomento ni Lloydie sa mga lumang larawan ni Bea sa IG.

Nagtaka naman si Bea dahil isang taon na ang nakalipas ng ma-ipost ang mga larawan. Depensa naman ng aktor, “Napindot lang.”

Iniisip tuloy ng mga netizen at fan na baka inii-stalk ng aktor ang IG account ni Bea.

Samantala, maraming umaasa sa pagbabalik tambalan nilang dalawa.