SUPER estrella ang ­career ni Angelica ­Panganiban.

Sila ni Judy Ann ­Santos ang mga ­bida sa pelikulang Ang ­Dalawang Mrs. Reyes.

Say ni Panganiban sa social media, “Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa talambuhay ko. Thank you for today, ate!!! Lab yu.”

Namumutiktik sa heart/love emoticons ang post niya.

Ang isa pang masa­yang balitang kanyang ibinahagi, ang ­pagsasama nila nina Angel ­Locsin at Richard Gutierrez sa isang major-major ­movie.

Sino ang mag-aakalang ang mga original Kapuso TV king at queen eh ang comeback ­movie, sa ka-Dos at kasama pa nila si Panganiban, na one of the premiere princesses nila and a good ­actress at that?!

Post nito, “Ang isa ko pang kaibigan kasama ko, @therealangellocsin. Nakakatuwa na maka­trabaho ka ulit. Parehas nating hindi inakala.

Angel Locsin

“Love you mars. Mahigpit na AKAP para kay Marielle at Deena. Papatawanin lang kita lage tuwing shooting naten. Basta walang ipis ah!”

Ang post, full of ­happy emoticons. ­Hindi maitago ang galak ni Angelica na magkasama silang mula ni Angel at with matching Richard pa sa equation.

Angelica truly ­deserves this rosy phase in her career, kasi, mahusay talaga siyang aktres. ­Mapa-comedy or drama, patok na patok siya.

Congrats, Angelica, we are looking forward na mapanood ang mga high profile motion picture projects mong ito.

Hindi na kataka-­taka kung bakit super ­happy ka. Panalo ang mga ­ganap, huh!