ANGEL, PUSONG-DARNA PA RIN

Angel Locsin

Bumisita si Angel Locsin sa evacuation center sa Ma’had Alnor Al-Islaime, Block 8, Purok 5A, Ceanuri Subdivision sa Iligan City.

Namahagi siya ng food packs at school ­supplies.

“You don’t need to wear a costume to be a super hero,” sabi ni Neil Arce, rumored-BF ni Angel.

Gumanap noon si ­Angel bilang DARNA sa telefantasya ng GMA 7.

Sa bagong pelikula ng DARNA ng Star Cinema ay nag-back out si Angel, at pinalitan siya ni Liza Soberano.

Sa kabila ng lahat, pusong-DARNA pa rin si Angel.
DARNA sa tunay na buhay!

***

USAP-USAPAN ang pagsama nina Robin Padilla, Cesar Montano at Phillip Salvador kay DU30 sa Russia.

Umani sila ng kataku-takot na ­batikos.

Usap-usapan din ang pagdalaw ni ­Angel Locsin sa mga nag-evacuate mula sa Marawi City.
Umani si Angel ng kataku-takot na papuri.

***

Sino dapat ang mag-Valentina sa ­Millennial Darna?

Sagot ni Jojo G, “Si Jessy Mendiola. Kasi, ‘inagaw’ niya si Luis Manzano kay Angel Locsin!”

***

Kamakailan lang ay gumanap si ­Angel Locsin bilang ­babaeng Muslim sa MMK.