Ang huling pinuntahan namin ay ang story conference ng Star Cinema.
Noon pa namin alam ang pelikulang ito dahil kasama kami ni Tita Annabelle nang mag-meeting sila ni Ms. Malou Santos para sa proyektong ito, pero top secret muna ‘yon at hindi puwedeng i-announce habang hindi pa nag-i-story conference.
Finally ay matutupad na ang wish ng fans ng tambalang Richard Gutierrez-Angel Locsin dahil kahapon ay natuloy na ang story conference ng kanilang reunion movie.
Ang maganda pa, kasama nila roon si Angelica Panganiban!
Nang makarating kay Richard ang nasabing proyekto, natuwa kaagad siya at gayundin ang reaction ni Angel, ayon sa ilang taga-Star Cinema.
Ang The Promise ng GMA Films ang huling pelikulang pinagsamahan nina Richard at Angel at noon pa humihiling ang fans nila na magkaroon naman sila ng reunion project.
Sa tingin ng Star Cinema ay ito na ang right time para roon.
Sina Richard at Angelica naman, muntik nang magkasama sa isang Star Cinema movie some years back, pero hindi natuloy ‘yon dahil that time, may kontrata pa sa iba ang aktor.

Excited din sina Richard at Angelica na magkakatrabaho na sila.
Nang magkita sila sa taping ng Banana Split two years ago, napag-usapan pa nila ang proyekto sana nila na hindi natuloy.
Kahapon, pareho silang very thankful na may project na sila at kasama pa roon si Angel!
Best of friends ngayon sina Angel at Angelica, kaya for sure, magiging masaya sa set ng pelikula nilang tatlo ni Richard.
***
Nang magkita sina Richard at Angel, sobrang na-excite sila.
Sabi ni Richard kay Angel, finally, magkakasama na uli sila sa isang pelikula.
“Gaano na ba katagal ang last project natin?” tanong ni Angel kay Richard.
“Ten years, according to Jun (sabay turo sa akin),” sagot ni Richard kay Angel.
Habang ongoing ang story conference, ang saya-saya ng tatlo at panay ang biruan at tawanan habang ine-explain ng direktor nilang si Noel Naval ang istorya ng pelikulang pagsasamahan nila.
Sabi ni Ms. Malou Santos, isa sa big bosses ng Star Cinema, excited sila sa pelikulang ito na gusto nilang magsimula na ang shooting ngayong Mayo.
***
LAGARE kami kahapon. Umaga pa lang ay nasa photo shoot na kami ng mag-amang Eddie at Raymond Gutierrez para sa official magazine ng SM Malls.
Excited ang mga taga-SM na pumayag ang mag-ama sa pictorial na ‘yon.
Sabi ni Tito Eddie, tanging sa It Takes Gutz to be a Gutierrez reality TV series sila nagkakatrabaho at ngayon pa lang uli sila nagkatrabaho sa ibang proyekto.
“Bata pa si Mond nang magkasama kami sa ibang project,” sey ni Tito Eddie sa representative ng SM na si Ms. Grace Magno.
Ang nakakatuwa, tumulong si Raymond sa pag-i-style sa kanyang tatay.
Nakigulo rin sa pictorial nila sina Zion at Aria, mga apo ni Tito Eddie dahil isinama sila ni Annabelle Rama na dumalaw rin sa pictorial.
Kung si Zion ay maka-lolo, super maka-lola si Aria.
***
From Tito Eddie and Raymond’s photo shoot, deretso kami sa story conference/reading ng isang bagong series ni Assunta de Rossi para sa GMA 7.
Hindi pa lang puwedeng isulat ang mga detalye tungkol doon, pero mukhang exciting ‘yon, lalo na ang mga makakasama roon ni Assunta.
Bale bonding session na rin ‘yon ni Assunta sa cast at staff para hindi na sila nangangapa once na magsimula na silang mag-taping ngayong buwan na ito.
Angel & Richard, napaglipasan na ng panahon.
obviously, you’re not a fan of them…kaya shut up ka basher…Star Cinema na bahala diyan at surely, hindi sila magsisisi na pagsamahin sila because may spark pa ang loveteam nila…
An opinion from a non-fan is the best because it is objective, not necessarily a hate opinion. I say it as i see it. Unfortunately, there are a lot of supporters who are so subjective.