
STAR-STUDDED ang reopening ng Aivee beauty clinic ng mag-asawang Drs. Z at Aivee Teo sa BGC (Bonifacio Global City).
Dumating doon ang tinaguriang Supreme Couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Pinakawalan si Richard sa taping ng La Luna Sangre, kaya nakapunta siya roon.
Sabi ni Richard, ayaw niyang ma-miss ang event na ‘yon.
Parte sila ng tinatawag na Aivee League.
Si Raymond Gutierrez ang creative consultant ng launch/Aivee league campaign na ‘yon.
Nalathala na rito sa Abante TONITE kamakalawa ang sexy pictures nina Solenn Heussaff, Bea Alonzo, Maja Salvador, Sarah Lahbati at Erich Gonzales para sa Aivee.
Pati sina Gretchen Barretto, Zanjoe Marudo, Richard at Raymond, sexy din ang dating sa Aivee League campaign.
***
Nasa reopening ng nasabing beauty clinic si Gretchen.
Endorser din ng lugar na ‘yon ang pamangkin niya na si Julia Barretto.
Wala si Julia sa nasabing event dahil may trabaho raw.
Puwedeng-puwedeng magkita sa beauty clinic na ‘yon ang mag-auntie dahil pareho silang endorser doon!
***
Si Angel Locsin, kahit nakaputing damit sa event na ‘yon, obvious na obvious na malaki na ang ipinayat.
Sexy ang dating ni Angel sa kasuotan niya.

Kita ang cleavage ni Angel sa suot niya, pero wala siyang dapat ika-worry dahil sexy na uli siya.
Nag-react online ang fans ni Angel dahil hindi raw kasama ang kanilang idolo sa Aivee League campaign na ni-launch that day.
Ayon kay Raymond, may ibang campaign pa ang nasabing beauty clinic at doon gagamitin si Angel.
“They are planning to shoot Angel kasi for the next project of Aivee. Ayaw naman nila na sabay-sabay sa iisang campaign!” ang paliwanag ni Raymond.
***
Pati sina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, Heart Evangelista, Maricel Soriano at Karen Davila ay nagpupunta na rin sa nasabing beauty clinic.
Si Nadine ay kasama raw sana sa magka-cut ng ribbon, pero nagkasakit daw ang dalaga, kaya hindi nakarating.
Ang alam namin, ang ABS-CBN lady boss na si Ma’am Charo Santos-Concio, pati si Judy Ann Santos ay nagpupunta rin sa nasabing beauty clinic.
***
After ng event, masayang ikinuwento sa amin ni Raymond na happy ang owners ng nasabing beauty clinic kaya, “They want to get me also for the launch of the next clinic!”
Bukod sa pagho-host, humahawak na rin ng events si Raymond.
Sa Instagram story ni Raymond, sobrang saya lang ang ambience sa nasabing event at napakarami pang ibang celebrities ang nagpunta roon.
Grabe ang bonding ng mga artistang nagpunta roon at wala silang pakialam kahit sa magkakaibang TV networks sila nanggaling.
***
Kahit yumao na ang tatay-tatayan niyang si German Moreno, hindi pa rin pinababayaan ng GMA 7 si Jake Vargas.
Kamakailan ay nag-renew ng kanyang exclusive contract si Jake sa Kapuso network.
“Very thankful po ako sa pagtitiwala nila sa akin (GMA 7 management). Dito talaga ako nagsimula sa GMA 7.
“Pitong taon na akong Kapuso. Nag-start ako sa Walang Tulugan with The Master Showman at pagkatapos no’n, sunud-sunod na ang shows ko.
“Ang dami nilang naitulong sa career ko. Kaya, Kapuso talaga ako.
“At ang sabi sa akin ni Tatay (Kuya Germs), hanggang marami raw po akong naipapakitang maganda sa kanila, huwag daw po akong aalis dahil para sa 7 daw po ako talaga,” sey ni Jake na parte pa rin ng award-winning family sitcom Pepito Manaloto.